"Teka may uling ka, tanggalin ko lang," wika ni lolo Moss, at ginamit ang kanang kamay nito para tanggalin ang maliit na piraso ng uling sa gilid ng mata ni mama Aurora. Sabay-sabay naman kaming nagtinginan sa kanila habang si lolo Moss ay masayang nakatingin kay mama Aurora. "Ang sarap nilang tingnan ng ganito," wika ni Marcus. "Sana hindi na matapos," sagot ko naman. Bigla naman silang napalingon sa amin. "Silva.Kayo na," saad ni lolo Moss, at saka inaalalayan si mama Aurora na tumayo. Kahit pareho na silang matanda, ang sarap pa rin nilang panuorin. "Ate, halika na."Upo ni Adam sa kanang upuan."Kuya Marcus, itanong mo lagi 'yong tungkol kay ate ha?" pagbibiro ni Adam tsaka ko naman ito binatukan. "Siguro nag sabwatan kayo no?" tingin ko sa kanila ng masama. Umupo naman sa h

