"Ate si lolo Moss 'yan ah!" sabi ni Adam, nang akma na itong tatayo, ngunit hinila ko ang damit niya. "Huwag ka munang magpakita!" bulong ko nang hinihintay muli namin itong magsalita. "Adam, Silva?" malambing na boses nito. Sumilip naman ako ng kaunti sa aming harapan ng makitang wala namang tao rito. Naghintay ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas, at sumunod naman sa akin si Adam. "Sabi ko na,e.Patibong nanaman ni lolo Moss 'yon.Hinawakan ko naman ang kamay ni Adam."Tara na Adam, mukhang wala na." Tingin ko sa paligid. Hindi naman kami mapag hiwalay ni Adam at nakaugalian na naming tumingin sa aming likuran, hindi kasi namin alam na baka biglang sumugod nanaman sa amin ang mga halimaw na 'yon. "Sawakas, andito na rin tayo!" Taas kamay ni Adam,habang patakbo itong pumun

