Unti-unting nawawalan ng lakas ang drekavac, kaya napabitaw ito da pagkakayakap sa kanyang ama. Sawakas, at bumalik na rin ito sa dating anyo.Takang-taka namang tinignan ng Drekavac kanyang ama habang nanginginig, tumingin rin ito sa amin dala ang galit at lungkot. "Anak ko, anong nangyari sa iyo."Baba ni Malvo sa kanyang anak, habang tinitignan ang umaagos nitong dugo. "Hindi sinasadya ng kapatid ko... kakagatin kana ng Drekavac kaya..." "Wala kayong karapatan! Anak ko ito! At kung ano ang gusto niyang gawin,maaari niyang gawin sa akin!" Tinignan ko naman si Adam at dire-diretso itong nagpunta sa katawan ng bata. Lumuhod naman ito at tinignan ang kanyang pulsuhan tsaka ito tumingin sa amin. "Pinatulog ko lang siya kaya 'wag kang mag alala," anito sa lalaki, nang bigla niyang itulak s

