"Mga bata, gising!" "Huy." Unti-unti kong minulat ang mata ko nang may naramdaman akong kumakalabit sa akin. "Po?" Papungay-pungay kong tingin sa dalawang matanda na mukhang kanina pa kami ginigising.Niyugyog ko naman si Adam at taimtim kaming umupo, habang kinukundisyon ang sarili namin. "Alam niyo bang bawal ang matulog dito?" wika ng isang matanda na mukhang isang guwardiya rito sa parke. "Asan ang mga magulang ninyo?" tanong naman ng isa. Sasagot na sana si Adam ngunit tinakpan ko ang bibig nito at prenteng ngumiti sa harapan ng dalawa. "Nasa bahay po,uuwi na rin kami." Hawak ko sa kamay ni Adam."Halika na Adam," saad ko, nang akma na kaming tatayo at kukunin ang aming mga bag sa ilalim ng upuan ngunit... "Nasaan ang mga gamit namin?" Kapa ko sa ilalim at sinilip ko na rin

