Walang ibang tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon pero laman ng kanyang balintataw ang mukha ni Carmela. Nakangiti. Tumatawa. Namumula ang mga pisngi at hindi masalubong ang kanyang mga matang matiim na nakatitig dito. Napabalikwas siya ng bangon. Kahit malalim na ang gabi at maingay ang mga kuliglig, hindi nagawang itaboy ng mga iyon ang mga alaala ni Carmela na unti-unting dumadaloy sa isipan niya. Nakatitig lang din siya sa liwanag ng buwan na tumagos mula sa siwang ng kanyang bintanang capiz na nakalatag ngayon sa kumot na nakatakip sa kanyang pang-ibaba. Maraming nangyari sa nakalipas na buwan mula nang umalis si Carmela. Mga pangyayaring ni sa hinagap ay hindi niya nanaisin. Napakagulo ng bawat araw na iyon. At para bang lahat ng tao sa kanyang paligid ay hinuhusgahan a

