Nabitin sa ere ang mga daliri ni Carmela mula sa ginagawang pag-edit ng kasalukuyang kabanata ng kuwento ni Carmina at Gino na magsisilbing update niya rin ngayong gabi nang tumunog ang doorbell. Salubong ang kilay na napatingin siya sa orasan. Lampas alas nueve na ng gabi. Nangungunot pa rin ang kanyang noo nang tumayo siya mula sa sofa at nagtungo sa pinto ng living room upang lumabas ng bahay. At dahil good mood siya ay hindi na niya naisip o natanong man lang ang sarili kung sino ang bisita niya sa kalagitnaan ng gabing iyon. Hindi rin niya malalaman iyon hangga't hindi niya napagbubuksan. Isang matamis na ngiti agad ng lalaking ito ang bumungad sa kanyang paningin nang mapagbuksan niya ito ng pang-isang tao na gate. Isang ngiting na-miss niyang masilayang muli't muli sa mga labi n

