"Ma'am, may nagpapabigay ho sa inyo." Napatigil sa kanyang paglalakad si Carmela nang magsalita ang naturang guwardiya na nakapuwesto sa basement ng kompanyang pinagtatrabahuhan. Kalalabas lang niya noon ng elevator matapos ang kanilang office hour ng hapong iyon. Nilingon niya ito at isang pumpon nang mapupulang rosas at isang heart shape na lalagyanan ng tsokolate ang hawak ng naturang bantay. Nakaramdam nang pangigigil sa inis si Carmela at pag-igting ng panga nang makita iyon. Hindi ba't pinagbawalan na niya si Jerry na tigilan na siya nito? Aba't wala yatang sukuan ang peg nang matandang 'yon, ah! Gusto nga talaga yata nito na makuha ang kanyang loob. "Kay Jerry po ba galing?" May talim ang kanyang tinig. "Ah, hindi po kay sir Jerry galing 'yan, Ma'am Carmela." Napakunot-noo s

