KABANATA 79

3299 Words

Napapasong bumitaw si Jared nang mahawakan sa braso ang natutulog na nakatatandang kapatid. Napaawang ang kanyang bibig at napatingin sa kuya na nakatalikod sa kanya. Inabot niya ang noo nito at kinapa para lang lalong mamangha sa natuklasan. “Kuya, may lagnat ka.” deklara niya. Narinig niyang umungot ito at itinaas ang kumot sa bahagi ng katawan na hindi natakpan. Mas lalo ring isiniksik nito ang katawan sa loob niyon. Napamaang siya, hindi alam ang gagawin. Dalawa lang sila ngayon sa kanilang bahay dahil ang sabi ng kuya Jiro niya kagabi ay baka mamayang mga alas diez pa nang umaga makauuwi ang kanilang mama kasama ang kanilang ate at pamangkin. Ano’ng oras na rin, kailangan na niyang pumasok pero hindi pa siya nakakapag-agahan. Kaya rin pala hindi niya nadatnan sa kusina ang kuya J

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD