“Hello po, 'Ma?” aniya at naglakad palabas ng gym. Alas tres na ng madaling-araw at tinapos na rin ng mga higher officer nila Carmela ang kasiyahan. Abala na ngayon ang mga ito sa paglilinis ng gym at pagsasaayos ng mga ginamit na upuan at lamesa. “Anak, nasaan ka? Nasa school ka pa rin ba?” Kinusot niya ang mga matang inaantok at bahagyang humikab. “Opo, ‘Ma.” “Umuwi ka na anak.” Nahimigan niya ang pagkataranta at pagmamadali sa tinig nito na siyang ikinakunot ng kanyang noo. “May problema po ba?” at kusang lumakad ang mga paa niya palabas ng gym, patungo sa open field. Bigla rin siyang nakaramdam ng taranta at pagmamdali. Mula sa malalayong ilaw buhat sa college of Law at iba pang gusali ay nakapagbibigay pa rin ang mga ito ng liwanag kahit paano sa nilalakaran niya. “Papunta

