Kusang umaangat ang gilid ng bibig ni Ciarra sa bawat sandali na kanyang naaalala ang hitsura ni Carmela noong makaharap niya ito sa grocery. Ang gulat na nakabalandra sa mukha nito. Ang kahihiyan para sa mga taong nakarinig tungkol sa pagiging kabit nito ay malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isipan. Alam niyang narinig ng mga customer na naroon ang kanilang mga pinag-uusapan. Ang kanyang pagsusumamo. Ang mga pagmamakaawa niya na layuan nito ang kanyang asawa para sa kanilang mga anak. Nakatatawa ang pagmumukha nito habang balisa at halos lumubog sa kahihiyan lalo na noong iniisa-isa nitong tinitignan ang larawan ng kanyang mga anak. Gayon din ang hitsura nito na mangiyak-ngiyak, na tuluyang nauwi sa pagluha habang nanginginig pa sa pagkapahiya hindi lang sa sarili nito kundi maging s

