CHAPTER 4

2139 Words
KABANATA IV. Na-alimpungatan ako ng makarinig ng kaluskos mula sa labas. Dinilat ko ang mata ko at tahimik na pinakiramdaman ang paligid. Maingay ang mga dahon na nasa sahig, nagigising ang mga sanga'ng natutulog dahil sa mabibilis na hanging dumaraan. Napatayo ako bigla sa higaan at lumabas ng kwarto. Dumaan ako sa kusina at binuksan ang back door. Masukal na kagubatan ang agad tumambad sa akin. Nakita ko na naman ito maraming beses na at minsan na rin akong nakapag lakad dito. Hindi kaya may tao? Sinubukan kong lumabas ng naka paa. Hindi ako mapalagay. Sigurado akong nakarinig ako ng mga nagtatakbuhan dito. Mabibilis na yabag ang narinig ko na sigurado akong dumaan sa parteng ito. Madilim ang paligid pero mula sa sinag ng buwan ay malinaw kong nakita ang maraming footprint na bumaon sa malambot na lupa. Lalapitan ko ito ngunit bigla na lang may malamig na kamay ang dumampi sa aking balikat. Agad kong hinarap kung sino 'yon at nakita ang tito ko na nakatayo roon na mukhang naalimpungatan din. "T-tiyo, para po kasing may nagtakbuhan kanina rito," Wala akong mabasang kahit na anong pagtataka sa mukha niya na para bang inaasahan na niyang sasabihin ko 'yon. Akala ko ay sasagutin niya ang katanungan ko pero nadismaya lang ako sa sinabi niya. "Bumalik ka na sa silid mo at matulog." Wala akong nagawa pa kun'di sumunod na lang sa kaniya, ngunit bago ko pa nilisan ang kusina ay muli akong napatingin sa back door kung saan seryosong nakatayo roon si tito na waring may tinitignan. Siguro inaalam niya rin kung talaga nga bang may dumaan roon o nananaginip lang ako. Pero sigurado ako sa mga narinig ko at patunay lang nun ang footprints na nakita ko. "Siya nga pala, hija. Hangga't maaari, ang tangi mo lang gamitin na pangalan ay Elizabeth, at hindi Errison." "Bakit po?" "Dahil hindi namin nakilala ang ama mo, kaya kung mabuti sana, apelyido na lang ni Laura ang gamitin mo." Ang pangyayaring iyon ay nangyayari isang beses sa isang linggo. Sa totoo lang ay uhaw na uhaw na ako sa kasagutan pero walang maibigay sa akin si tito ni isang salita ukol dito. Ang pangyayaring ganon ay hindi nananatili sa simpleng sitwasyon lang. Kung minsan pa ay may naririnig pa akong mga boses na waring naguusap, tapos biglang mawawala. Totoong kinakabahan na ako. Hindi naman ako naniniwala sa multo pero wala talaga akong maisip na maaaring dahilan. "Tapos ka na?" Tumango ako kay Amanda matapos kong maghugas ng kamay sa lababo ng cr dito sa school. Katatapos lang namin mag laro ng volleyball at kinaylangan namin magpalit ng damit dahil narumihan ang P.E uniform namin kanina. Inayos ko ang bag ko at bahagyang pinunasan ang noo kong may pawis. Medyo mainit kasi rito sa cr at wala pang hangin. Kinuha ko ang kwintas na pagmamayari ni ina at sinuot ito. Napatingin ako kay Amanda at katulad ng nangyari noon sa tindera ay naging reaksyon din niya. Agad kong tinago ang kwintas sa loob ng damit ko at alangan na ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung anong meron sa kwintas na ito at kung bakit sila nagkakaganiyan sa tuwing nakikita nila ito. Ayoko naman isipin na baka may sumpa ito o ano dahil kikilabutan lang ako. Lumabas na kaming dalawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag salita si Amanda. Naka-amang pa rin ang bibig niya at halos nakalimutan ng huminga. "Okay ka lang?" "Hindi," sabi ko nga e, hindi siya okay. Wala akong ibang nagawa kun'di bumuntong hininga. Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit hindi rin ako nakatakas sa mga tanong niya. "Shia, saan ka nanggaling?" Napaisip ako sa tanong nito pero nagawa ko na rin sagutin dahil wala naman mali kong sasabihin ko, "Sa Fordge Hills. Bakit?" Nakita kong tumango ito at waring nawala ang pangamba sa kaniyang mukha. Lalo tuloy akong napaisip kung ano bang meron at nagkakaganiyan sila sa kwintas ng aking ina. "Sino ang nagdala sa iyo rito? At bakit ka niya dinala?" "Tito ko ang nagdala sa akin dito. Namatay ang step-mother ko, kaya 'yung kapatid ng totoo kong ina, kinuha ako at dinala rito." paliwanag ko rito. Nakatingin lamang siya diretso sa daan at ngayon ay wala akong ibang makitang reaksyon sa mukha niya. "Amanda, ano ba ang problema?" Para yata siyang nagulat sa tanong ko kaya napatigil siya sa paglalakad. "Wala kang alam?" "Hindi mo alam kung gaano ako kauhaw sa kasagutan, Amanda. Araw araw kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang meron sa lugar na ito at bakit puro weirdong bagay na lang ang nakikita ko." "A-anong mga nakikita mo?" Kakaibang tingin ng tao noong una. Bayan na bakit na sa gitna ng kagubatan. Mga lumang bagay at makalumang pamumuhay. Mga hindi maipaliwanag na ingay sa gabi. Marami, marami pa akong napapansin pero sinasawalang bahala ko na lang. Nilabanan ko ang titig niya. Hindi ko alam kung tamang sabihin ko ang mga iyon pero baka matulungan niya ako dahil taga rito siya, at mapaliwanag niya sa akin ang mga ito. Pero magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng napakalakas na tili hindi kalayuan sa pwesto namin. Agad dumaloy ang kaba sa sistema ko. A-anong sigaw iyon? "Come with me," biglang hinila ni Amanda ang kamay ko at tinakbo namin ang daan hanggang sa makarating kami sa parking lot ng unibersidad. Kumpulan ang estudyante na naroon na waring nagkakasiyahan. Yung iba ay nagtatawanan, habang ang iba naman ay parang natatakot na hindi maipaliwanag. Lumapit pa lalo kami ni Amanda hanggang sa makalapit kami sa kumpulan ng tao, pero dahil masyado silang madami ay hindi namin makita ang pinagkukumpulan nila. Nagulat ako ng binitawan ni Amanda ang katawan ko at mabilis na nakipagsiksikan sa dagat na tao. Wala akong magawa kung hindi sumunod sa kaniya at nakipagsiksikan at tulakan na rin ako para marating ang unahan. "Amanda!!" nakita ko naman agad ang damit niya kaya agad ko siyang tinawag. Napalingon siya sa akin at nagulat ng makitang nasa likod niya ako. Hinarangan niya ang eksena at balak pa yata akong paalisin ngunit mistulang huli na. Nakita ko ang nangyayari kaya agad akong tumabi sa kaniya. Napasinghap ako sa aking nasaksihan. "50 bucks! 5 minutes and he will die." "80 bucks and in 30 seconds he will." "No, I will bet my camaro for a 6 seconds remaining." Natulala ako. Nanigas sa kinatatayuan at hindi magalaw ang katawan. Sinubukan kong lapitan ang kaawa-awang lalaki ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. A-anong ginawa nila sa lalaki? Kilala ko siya at pamilyar siya sa akin. Kaklase ko siya sa Biology at siya 'yung palaging tahimik at pinagt-tripan ng mga kaklase namin. Duguan siya at napakarami siyang sugat sa katawan. Halos sumuka na siya ng dugo at based sa itsura nito ay mukhang hindi na siya makatayo dahil sa mga natamo niya. Hiyawan ng hiyawan pa rin ang mga tao. Nagkakasiyahan sila. Natutuwa silang makita ang mga ganitong bagay. Pero ako, bakit naiiyak ako? Naaawa ako para sa lalaki. Hindi ito dapat nangyari sa kaniya. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap sa kumpulan ng tao ang maaaring may gawa nito. Wala akong ibang nakita kundi si Russell na mayrong malapad na ngisi sa labi na waring proud pa sa kaniyang ginawa. May mga dugong nagtalsikan sa damit at pantalon niya at basang basa na rin ng dugo niya ang kaniyang dalawang kamao. Napaka sama pala talaga niya! Nagulat ako ng nag-unat ito ng katawan. Pero ang mas kinagulat ko ay ang bigla niyang paglapit sa duguang lalaki. Hindi ko na kinaya ang sitwasyon at agad pinigilan si Russell sa binabalak niya. "TAMA NA!" mariin kong sigaw sa kaniya. Nakita kong natigilan siya at biglang sumama ang timpla ng mukha niya. Kung kanina ay naka ngisi siya, ngayon ay nagdidilim na ang mukha niya marahil sa pag interrupt ko sa kasiyahan niya. Hindi ko siya tinignan muli dahil natatakot ako. Pinagtuunan ko ng pansin ang lalaking duguan at kita ko ang gulat sa mukha niya. "Kaya mo bang makalakad?" nagaalala kong tanong. Pansin ko ang biglang pagtahimik ng paligid. Pasimple kong nilibot ang paligid at nakitang halos lahat sila ay nakatulala pa rin sa ginawa ko. Walang nag-nais magsalita. Waring ang lahat ay nagulat sa ginawa kong pambabastos sa katuwaan ni Russell. Alam kong kinatatakutan at tinitingala ang pamilya nila sa bayang ito pero hindi tama na mananakit na lang siya ng kung sino. Hinawakan ko ang duguang mukha nung lalaki. Hindi naman siya nasaktan sa ginawa ko. Itatayo ko na sana siya ng bigla akong kinilabutan sa taong nasa likod ko. Alam kong hindi ko siya nakikita pero iba ang pakiramdam ko. Dahan dahan kong iniling ang ulo ko upang makita siya. Pero nagsisisi ako na sana hindi ko na lang ginawa. Natulala ako. Kung kanina ay normal pa ang itsura niya, ngayon ay parang nanggigil ang buo niyang katawan na saktan ako, nakita ko rin kung paano maging visible ang mga ugat niya sa katawan. "Do you even know the consequence of interfering into someone's business?" malamig at may halong pagbabanta nitong katanungan sa akin. Tumayo ako at nilabanan ko ang titig niya. "Hindi ko ugaling makialam sa bagay ng iba pero hindi ko maatim na makakita ng taong nahihirapan na." Pakiramdam ko ay mas lalo ko pa yata siyang nagalit sa pagsagot ko. Kinabahan ako. Totoong nakakatakot siya. Parang ano 'mang oras ay mapapatay niya ako. Pero hindi ako nagsisisi na nakialam ako. "You f*****g dared to answer back your prince huh? Then I will let you see the glimpse of hell in my own hands." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niyang iyon. Gusto kong umatras pero huli na. Mabilis siyang sumugod sa akin kaya wala akong nagawa kun'di ipikit na lamang ang mata ko. God, kayo na po ang bahala sa akin at patawad sa mga naging kasalanan ko. Wala akong sakit na naramdaman at sunod nun ay ang isang malakas na kalabog ang nangibabaw mula sa gilid ko. "You don't f**k with your señor, Russell." Agad kong idinilat ang mata ko ng marinig ang boses na iyon at nakita ang likod ng isang matangkad na tao na nakatayo sa harap ko. Anong nangyari? Nakita ko ang bahagyang pag galaw ni Lucaz kaya malinaw kong nakita si Russell na ngayon ay nakasalampak na sa sahig. Nakita ko rin ang sasakyan kung saan siya nakasandal at nagulat ng makita ang napaka-laking yupi na naroon. Paano nangyari 'yon? Dahan dahan siyang tumayo at bakas sa katawan niya na nanghina siya. Binalibag ba siya ni Lucaz? Ganon siya kalakas? Sa tingin ko ay mas dapat akong matakot kay Lucaz kesa sa kaniya. Tuluyan ng nakatayo ng tuwid si Russell. Tinignan ako nito ng masama kaya agad akong napaatras. Nakakatakot pa rin ang mga mata niya. Sunod na tinignan ni Russell si Lucaz at sinigawan ito. "This is my god damn business, Lucaz." nanggagalaiting sigaw nito sa pinsan niya. Akala ko ay hindi na sasagot pa si Lucaz pero hindi, napasinghap ako maging ang ibang naririto sa sinabing iyon ni Lucaz. "She is my god damn business, cousin." seryoso at puno ng pagbabanta nitong tinig. Nagulat si Russell sa narinig maging ako. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Bakit niya ba sinabi 'yon? "She f*****g ruined my play-time and you know whoever gets in the way will be punished." Pakiramdam ko ay natuyuan akong muli ng laway sa lalamunan. Punished? Ako? Parurusahan? Pero inawat ko lang naman siya. Bakit ako kelangan parusahan? Naawa lang naman ako sa lalaki dahil mukhang mamamatay na kung hindi niya titigilan. Bakit kelangan kong maparusahan kung gumawa lang naman ako ng kabutihan? "Question my f*****g words again Russell and you will regret this for the rest of your life." nakita ko kung paano tumindig si Lucaz. Sa puntong ito matapos makita ang reaksyon ni Russell, alam kong wala na siyang magagawa kun'di sundin ang pinsan niya. Nanatili ang katahimikan sa buong lugar. Walang nagnais magsalita. Maging ako ay hindi pa rin makagalaw sa mga nangyari. Nakita ko ang lalaking nakahandusay sa sahig at laking dismaya ng hindi na ito gumagalaw. Oh my! Pinatay siya ni Russell. Kaylangan niyang managot sa batas. Nakapatay siya ng inosenteng tao. Papaano niya nagawang pumatay ng ganito? "Whoever hurt Shia Elizabeth will taste the deepest of hell." Nagulat ako ng biglang hilahin ni Lucaz ang kamay ko. Mabilis siyang naglakad patungo sa isang sasakyan. Binuksan niya ang pinto at pinasok ako roon, kasunod nun ay pag sakay niya mula sa kabilang pinto. Hindi pa rin ako makagalaw. Nagulat pa rin ako sa mga nangyari, lalo na't ngayon ay nasa loob ako ng sasakyan ni Lucaz Hollagan kasama siya. Napasinghap ako ng hawakan nito ang pulsuhan ko at marahang iniharap sa kaniya. Napatitig ako sa asul niyang mga mata. At lalong natuliro matapos marinig ang mga katagang sinabi niya. "I want to protect you, Shia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD