KABANATA V
Wala akong ibang naging reaksyon. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Sinusubukan pa na iproseso ng utak ko kung ano ang sinabi niya, pero sa tuwing naaalala ko, lalo lamang akong naguguluhan.
"Bakit mo ako gustong protektahan?" kinakabahan ako pero kaylangan makipag usap ako sa kaniya.
Kaylangan kong malaman ang iniisip niya. Hindi pwedeng hindi. Dahil mababaliw ako kapag hindi nasagot ang mga katanungan ko.
"I don't know." nakayuko nitong sagot sa akin.
Mas lalo akong naguluhan. Hindi, maging siya ay naguguluhan din. Hindi niya alam kung bakit niya ako gustong protektahan o maaaring alam niya pero may gumugulo sa isip niya. Kaylangan ko iyon malaman.
"Bakit ako?" ang tanging lumabas sa bibig ko.
Bakit ako? Kaylan lang kami nagkakilala, ni hindi nga kami malapit sa isa't isa tapos ganito? Bigla na lang siyang susulpot sa eksena, ipagtatanggol ako at sasabihing poprotektahan ako? Ang gulo 'e. Hindi kaya pinaglalaruan niya lang ako?
"Why you, Shia? I honestly don't know. It suddenly came up on my mind. The thought of protecting you, it feels like I need to do it."
Bumagsak ang panga ko sa narinig. A-ano ba itong sinasabi niya? Ang weirdo niya. We only met just a week ago, a few conversations we had, and he wants to protect me now?
Bakit naman niya maiisip na protektahan ako? Hindi na ako bata. Pero kanina, inaamin kong kinaylangan ko ng proteksyon laban sa pinsan niya. Hindi kaya nakokonsensya lang siya sa ginawa ni Russell?
"If you think I'm doing this to make up to you for whatever my bastard cousin did, you're probably wrong."
Lihim akong napa-singhap. Ganon na ganon ang iniisip ko ah? Kung hindi iyon ang dahilan, e ano? Bakit siya nagkakaganito?
Marami akong naririnig na balita tungkol sa kaniya. Hindi siya basta basta dahil tinitingala siya ng lahat, hindi lang dahil sa apelyido niya, maging dahil sa kakayahan niya. Malakas siya, matalino, dominante na nagustuhan ng mga tao rito. Walang opisyal na namumuno sa bayan na ito pero parang siya na rin ang kumokontrol sa mamamayan na nakatira rito. Lahat ng sasabihin niya ay batas para sa kanila.
Mapaparusahan ang sino 'mang kokontra. Weird sa pandinig kung paano siya mamahala pero dahil maliit na bayan lamang ito, tingin ko ay tama lang din iyon kung sa ganoon niya nakokontrol ang mga tao niya.
Pero ang makita ang isang leader ng bayan na nagkakaganito? Nakakapagtaka. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging proud sa sarili ko o mahiya dahil pinasasakit ko ang ulo ng tumatayong pinuno nila. Siguro pag nalaman ito ng mga nakatira rito, malamang bukas na bukas din palalayasin na ako sa Majesty Falls, hindi, baka ngayon pa lang.
"What are you thinking, Shia? I really can't read your mind and it's really really frustrating."
Siguro nagiging hobby ko na ang pagtitig sa mga mata niya. Palagi na lang kasi akong nagugulat sa mga sinasabi niya. Pero nang maalala ko, hindi ko maiwasang mapatawa.
"Humans can't read mind, okay? Meron akong kaibigan na Psychologist noon at sinabi niyang hindi raw totoo ang mind reading. Hindi mo kaylangan ma-frustrate, maging ako hindi ko rin mabasa ang iniisip mo."
Napangiwi ako ng dahan dahan. Nagiging madaldal ako. Hindi magandang sign ito. Ibig bang sabihin ay nagiging palagay na ang loob ko sa kaniya? Pero hindi pwede diba?
Nakatingin siya sa akin na parang may sinabi akong nakakagulat. Bakit, may mali ba akong nasabi?
"You don't understand,"
"Kasi hindi mo pinaiintindi sa akin." napigil ko ang hininga ko ng mapagtanto na pinutol ko siya sa pagsasalita.
Hindi kaya dumami ang parusa ko nito? Binabastos ko ang pinuno ng bayan na ito. Mukhang kaylangan kong humingi ng pasensya kay tito, tutal mamamayan naman siya rito.
"How can I make you understand If I myself is also confused?"
Ang paguusap namin ay nagtapos doon. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam kung pinigilan ko lang ang sarili ko o wala lang talaga akong maisagot sa kaniya.
Sinabi niyang ihahatid niya ako sa bahay ni tito pero tumanggi ako. Ayokong makita ni tito na magkasama kami. Pakiramdam ko, nahihiya ako. Ayoko rin magisip siya ng kung ano, nangako ako na pagaaral ang aatupagin ko.
Pero inakala ko yata na 'yon na ang magiging huli namin paguusap, dahil hindi. Simula nun, minsan niya akong sinusundo sa kanto namin gamit ang Hammer niyang sasakyan. Nuong una ay nagalinlangan pa ako, pero dahil siya ang batas at nakakatakot ang mga salita niya, napapayag niya ako. Pero pag pauwi, hanggang kanto pa rin.
Ang minsan, naging madalas at naging araw araw pa, hanggang sa nasanay na ako na tuwing papasok ako sa eskwela, may itim na hammer ang naghihintay sa akin sa kanto. Sa sobrang nakasanayan ko na, hinanap-hanap ko na. Minsan naiinis ako kapag hindi niya ako nasusundo sa umaga, pero pagdating ng hapon ay nagpapaliwanag naman siya, may inasikaso raw siya sa bayan, ganoon palagi ang dahilan niya, naintindihan ko naman siya dahil alam ko na mabigat ang responsibilidad niya.
Tahimik at normal pa rin ang pananatili ko rito. Disiplinado ang mga tao. Bihira ang gulo, at kung magkaroon 'man ay naaayos agad 'yon upang maiwasan na makarating sa pinuno. Kapag daw kasi maliliit na bagay lang, ayaw na nilang ipaalam kay Lucaz kung kaya naman masulosyunan ng mga tao. Bumilib ako sa pagkakaisa nila sa totoo lang. Hindi lahat ng mamamayan sa isang bayan ay ganito. Yung iba, walang pakialam sa isa't isa. Sila, nagtutulungan upang mapanatili ang kaayusan sa bayang ito.
Ilang araw nalang at simula na ng exam. Busy ako sa pag rereview ganoon din si Amanda kaya bihira na lang kami magusap, pero madalas kaming magkasama talaga sa eskwela. Yun nga lang, parehong busy ang atensyon namin dahil sa pagaaral.
Hindi ko nga maisip na mayroong dalawang katauhan si Amanda. Ibang iba kasi siya noong party, at napaka-simple naman niya sa eskwela. Pero ayos lang naman para sa akin dahil napapanatili niyang mataas ang grado niya. Hindi na rin kami nagkakasabay pauwi dahil nga araw araw na akong inaabangan ni Lucaz. Nakakahiya 'man aminin pero medyo malapit na kami sa isa't isa.
"Nasaan nga pala ang pinsan mo?" tanong ko sa kaniya pagkasakay ko ng sasakyan niya.
Inayos ko ang buhok at inipit ito ng paitaas. Nakasanayan ko ng gawin ito sa tuwing sinusundo niya ako sa hapon, dahil medyo mainit ang klima.
"Who?"
Napatingin ako sa kaniya, "Si Russell?"
Mahigit isang linggo ko na siyang hindi nakikita na pumapasok. Akala ko noong una ay baka nagtatago na 'yon kasi nakapatay siya pero hindi pala. Sabi ni Amanda, umalis daw siya at pumunta sa malayo pero babalik din sa susunod na araw.
Hindi ko lang alam kung paano niya nalaman. Ngunit hindi na rin nakakapagtaka dahil nalaman ko mula kay Lucaz na mayaman ang pamilya nina Amanda, malamang marami rin silang koneksyon at ang makarinig ng balita tungkol sa pamilya Hollagan ay maliit na bagay na lang.
"He's, ugh! He went somewhere." tipid niyang sagot sa akin.
Nagsimula siyang magmaneho, nagulat ako ng sa ibang direksyon ang kaniyang tinatahak kaya agad akong nagtaka, na nasagot naman agad ni Lucaz. Lalabas daw kami ng bayan. Na-excite ako dahil ito ang unang pagkakataon na makakalabas ako ng Majesty Falls magmula nang dumating ako rito.
Hindi naman ganoon katagal ang naging biyahe namin. Nalaman kong ang lugar na pinuntahan namin ay sa Moonlight. Alam ko ang lugar na ito pero ni minsan ay hindi pa ako nakarating dito dahil malayo sa dati naming bayan.
Hindi isang bayan ang Moonlight. Isa itong malaking pasyalan na pinagigitnaan ng apat na bayan. Kumbaga nasa gitna ang lugar na ito at may apat na bayan ang nakapalibot dito kabilang na roon ang Fordge Hills at Majesty Falls na sinabi ni Lucaz.
Maraming mapupuntahan dito. May iba't ibang restaurants, shops, supermarkets, cinema, rides, at marami pang pwedeng mapaglibangan. Ang kaibahan nga lang, sa gabi nabubuhay ang kasiyahan sa lugar na ito, ayon sa pagkakaalam ko.
Kaya noong dumating kami ay halos wala pang katao-tao sa paligid. Puro sarado pa ang ilang stores ngunit may ilang restaurants na rin ang bukas, ang rides ay hindi pa umaandar at sarado pa ang ilang stalls, pero bukas na rin naman ang supermarket. Sabi ni Lucaz mas maganda raw pumunta sa lugar na 'to kapag gabi pero hindi ako pwede dahil hindi naman ako nagpaalam kay tito.
Pumasok kami sa isang restaurants. Fancy ang dating nito at mukhang mamahalin, based na rin sa istraktura at disenyo ng labas at loob. Sabay na nagyukuan ang mga staffs ng restaurant ng makita si Lucaz, mukhang dito pala ay kilala at nirerespeto pa rin siya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya ng lumipat ang tingin nila sa akin. Pakiramdam ko, ang pangit ko at hindi ako nararapat na makasama ni Lucaz.
Pero ganon na lamang ang gulat ko ng may malamig na kamay ang dumampi sa kamay ko. Nagulat ako ng hawakan niya ako at hilahin patungo sa isang lamesa. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayan makaupo. Grabe, nakakahiya. Pinagtinginan tuloy kami lalo ng mga staffs. Ang awkward pa kasi para talaga kaming nag uhmm nag di date kasi halos kami lang ang customer.
"Stop intimidating my girl and just get our orders." litanya nito gamit ang baritonong boses.
Muntik pa akong masamid kahit wala naman akong iniinum. Tama ba ang narinig ko? Nabibingi ba ako? O nag-iilusyon lang ako? Naguguluhan ako pero sa totoo lang gusto ko ang narinig ko.
'My girl' nakakakiliti sa pakiramdam. It feels like he's owning me. Imbes na tumutol, parang gusto ko pa. This is weird. Yeah, this is really really weird.
Dahil na sa ibang dimensyon ang utak ko, si Lucaz na ang nagorder para sa akin. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko rin alam ang ioorder ko dahil Italian ang pangalan ng mga pagkain kaya hindi ko maintindihan.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang order namin. Sa kaniya ay beef steak na may halo pang etsetera, sa akin naman hindi ko alam basta baboy e. Nagusap lang kami tungkol sa ilang mabababaw na bagay. Tungkol sa pagaaral ko, sa madalas niyang ginagawa, sa ginagawa ko sa bahay, at iba pa.
Marami-rami na rin naman akong alam tungkol sa kaniya. 25 years old at mas matanda lang siya sa akin ng isang tao. Wala siyang kapatid, pero marami silang magpipinsan, apat lang silang nandito sa Majesty falls dahil ang iba ay nasa ibang bansa.
Matagal ng wala ang nanay niya at ang tatay na lang niya ang meron siya ngunit nasa ibang bansa rin ito. Pinsan niya ang kasama niya sa mansyon nila at sila na ang nakasama niya hanggang sa lumaki siya.
Marami din naman siyang nalaman sa akin. Sinabi ko ang ilang tungkol sa naging buhay ko noon, ang dati kong lugar, kung saan ako nagaaral, ang dahilan ng pagdating ko sa bayan nila at kung ano ano pa. Pareho kaming mahilig magbasa ng libro. Marso ang kaarawan niya at Pebrero naman ang sa akin. 6'2 ang height niya at 5'6 ang height ko.
Unti unti ng lumiliwanag sa Moonlight. Napansin kong bukas na rin ang ibang stalls at nagsisimula na nilang i-display ang tinda nila, nadadagdagan na rin ang mga tao sa paligid, ngunit nakakalungkot lang na kung kelan magsisimula ang kasiyahan, doon kami lilisan.
Pabalik na kami ngayon ng bayan. Pinangako ko naman sa sarili ko na babalik ako sa lugar na 'yon para magsaya.
Wala naman masyadong naging usapan noong pauwi na kami. Tinanong niya lang ako kung nagenjoy ba ako. Sinagot ko naman siya ng oo dahil totoo naman, pero nakakabitin lang kasi hindi ko nasulit ang Moonlight.
Naging ganito ang daily routine namin. Hatid sundo, minsan kakain kami sa restuarants dito nga lang sa bayan din, minsan tatambay kami sa isang gubat at nandun lang kami nakaupo sa hood ng sasakyan niya, kumakain ng pizza at nagkkwentuhan.
Inaamin kong masaya ang mga tagpong iyon pero hindi ko pa rin alam ang set up naming dalawa. Maraming beses na niyang nahawakan ang kamay ko, at maraming beses na rin niyang pinaramdam sa akin na mahalaga ako. Hindi naman ako tanga, alam ko kung anong pinahihiwatig ng mga ginagawa niya, pero hanggang ngayon, nananatili kaming pipe sa isa't isa. Kontento na ako sa kung anong meron sa amin ngayon, pero hindi ko mapigilan ang umasa.
Sinabi sa akin ni Lucaz na hindi niya ako masusundo ngayon hapon dahil nagkaroon daw ng kaonting gulo sa dulo ng bayan. Mukhang seryoso ang bagay na iyon dahil kung hindi naman ay hindi hihingi ng tulong sa kaniya ang taong bayan. Naintindihan ko naman agad, hindi talaga madaling maging pinuno ng isang bayan kahit pa maliit lang ito.
Ala-singko na ng hapon at katatapos lang ng klase. Pauwi na ako ngayon sa bahay. Katulad ng nakagawian noon, naglalakad lang ako, wala naman problema sa akin ito dahil sanay ako, pero hindi ko maiwasan mapa-isip kung kamusta na ba si Lucaz. Nasulusyunan ba niya kung anong problema? Nakagawa ba agad siya ng paraan? Knowing him, sigurado ay oo. Hindi naman siya yung tipo ng tao na pinagpapabukas ang problema.
Biglang umihip ng malakas ang hangin kaya medyo kinilabutan ako, dagdag pa na lumubog na ang araw at ilang minuto nalang ay magdidilim na. Nagulat ako kasi parang may mabilis na hangin ang dumaan sa harapan ko. Napatingin ako sa itaas at nakitang maulap ang kalangitaan, marahil ay uulan. Pagbalik ko ng tingin sa harap ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Russell na nakatayo sa harap ko.
Agad dumaloy ang kaba sa sistema ko. Biglang nanginig ang kalamnan ko at ang tanging naaalala ko ay ginawa niya noon. Pakiramdam ko namutla ako. Nagkaroon na yata ako ng trauma sa kaniya. Pero mas lalo akong nagulat ng makita ang galit na galit at nang-gagalaiti nitong mga tingin sa akin.
Papatayin niya naba ako? Humakbang ito palapit sa akin kaya napa-atras ako. Naulit yun ng naulit hanggang sa mapasandal ako sa isang puno. Doon na bumuhos ang luha ko, dahil siguradong wala na akong kawala. Sasaktan niya ako, papatayin niya ako at natatakot ako sa maaaring mangyari.
Lucaz, nasaan kaba? Tulungan mo ako.
"Huwag,"