"You have no idea how much I wanted to kill you, human."
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero bigla na lang siyang kumilos, hinatak ako at gumalaw kami ng mabilis, ng sobrang bilis, hindi ko kinaya ang pressure kaya napapikit ako hanggang sa huminto kami, at ng idiliat ko ang mga mata ko, nasa ibang lugar na kami. Dinala niya ako sa kakahuyan.
Hindi ako nakapag salita. Papaano niya nagawa 'yon? Teleportation? Posible ba 'yon? Hindi ako makagalaw. Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng ito. Tama, isa lamang itong panaginip—bangungot, at kaylangan ko ng magising dahil sobrang natatakot na ako.
Nagulat ako ng bigla akong lumipad pa-atras. Napadaing ako ng malakas ng tumama ang likod ko sa isang puno, ramdam ko ang sakit nun at hindi ako makagalaw.
Biglang sumulpot si Russell sa harapan ko at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong pisnge gamit ang lima niyang daliri. Masydong mahigpit ang pagkakahawak niya kaya halos manakit na ang bagang ko, at ang matutulis niyang mga kuko ay waring nagsibaunan na sa balat ko. Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa nagngangalib niyang mga mata.
"Do you know that I tried to kill you so many times in your dream? But my cousin is protecting you really really bad."
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero sigurado akong nababaliw na siya. Iba na ang tumatakbo sa isip niya at 'yon ang mas lalong nakakapag-pakaba sa akin. Nababaliw na siya at natatakot ako sa mga magagawa niya.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa pisnge ko kaya halos mamilipit ako sa sakit. Ramdam ko rin ang paglapit ng mukha niya sa leeg ko na mas lalong nakapag-pakaba sa akin. Sana hindi niya gawin ang iniisip ko, sana.. God, pakiusap tulungan niyo po ako laban sa taong ito. Sasaktan at papatayin niya ako.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero parang sinisinghot niya ang leeg ko. Bigla akong na-conscious sa amoy ko. Takte amoy pawis pa naman ako dahil may P.E kami kanina. Hindi ito ang tamang oras para isipin yon pero nakaka-conscious kasi talaga.
"Damn it, woman! I f*****g love your smell. Your fresh and pure blood I really want to taste it real bad."
"I don't care if Lucaz kill me, as long as I gotta taste you fresh, that's more than enough."
Diyos ko! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako laban sa taong baliw na to. Ayoko na! Natatakot na ako. Pakiusap, itigil na ito. Ayoko ng ganito. Please,
Lucaz, nasaan ka?
Nagulat ako ng mapatitig sa mga mata niya. Kulay pula ito. Hindi, sigurado ako itim ang kulay ng mata niya, pero papaano naging pula?
Nakakatakot. Para siyang isang demonyo. Hindi, demonyo talaga siya at hindi ko na matatagalan na makasama pa siya. Gusto kong tumakbo at lumayo, pero hindi ko magalaw ang katawan ko dahil sa sobrang p*******t nito.
"This is going to be easy,"
Nagulat ako ng ibuka niya ang bibig niya at wala akong ibang nakita kundi mga matutulis na pangil.
H-halimaw.
Isa siyang halimaw. Paano siya naging halimaw? Oh God, help me please! Nang makitang nilapit niya ang bibig niya sa leeg ko, doon na ako napasigaw. Hindi ko na kaya ang takot na ito.
"H-huwag! Pakiusap! Huwag mo akong sasaktan!"
Wala akong ibang ginawa kun'di umiyak at sumigaw at magpumiglas sa kaniya, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makalaya mula sa kamay niya. Ayoko pang mamatay.
"P-parang awa mo na lumayo ka sakin!!"
Lalo akong naiyak ng ngumisi siya at tumawa ng nakakakilabot. Parang sinasabi niya na kahit anong gawin ko ay wala na akong kawala. Na hindi na ako makakatakas sa kaniya at mamamatay na lang ako sa mga kamay niya.
Hindi ko alam kung gaano na nakaraming luha ang naibuhos ko, basta isa lang ang gusto ko, ang mabuhay at makalayo sa kaniya.
Mahigpit niya muling hinawakan ang pisnge ko at mabilis na diniin ang pangil niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagbaon nito.
"LUCAZ! TULUNGAN MO AKO!!" malakas kong sigaw, sobrang lakas nagbabakasakali na marinig niya ako. Wala akong ibang magawa kundi mapahagulgol.
Naramdaman kong nawala ang matutulis na pangil niya sa leeg ko at bigla na lang akong tumilapon sa ere.
Binato niya ako. Lalo akong napa-pikit ng tumama muli ang likod ko sa puno. Kasabay ng pagtunog ng nabali kong buto ay ang pagbagsak ko sa maputik na sahig.
Ugh!
Alam ko sa puntong ito ay hindi ko na maigagalaw pa ang katawan ko, pero gising na gising pa ang diwa ko. Naramdaman kong may tumulong likido palabas ng bibig ko, kahit hindi ko makita ay sigurado akong dugo iyon.
Nakatingin ako kay Russell na naglalakad palapit sa akin. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Tulo lang ng tulo ang luha ko dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi na ako makakawala. Nabalian ako ng buto sa likod at hindi ko na magawang tumayo pa. Nanghihina ako at nawawalan na rin ako ng pagasa.
"You shouldn't shout, Shia." bakas ang pagbabanta sa boses niya.
Para siyang natakot bigla ng sumigaw ako ng malakas, bigla siyang na-frustrate ng sumigaw ako ng malakas kaya naitilapon niya ako sa ere.
Mukhang hindi niya gustong sumigaw ako, pero kung 'yun lang ang natatanging paraan paraan para may magligtas sa akin, gagawin ko.
Nang makitang palapit na siya, lalo akong kinabahan. Lumakas ang iyak ko at nagsisimula rin akong magsisisigaw. Please, sana may makarinig sa akin.
"T-TULONG!"
"LUCAAAAZZZZ!!"
Sa sobrang frustration ko, tanging pangalan na lang niya ang naisigaw ko. Hindi ako sigurado kung maririnig niya pero sana may ibang makarinig at magsumbong sa kaniya. Kaylangan ko talaga ng tulong.
Nagulat ako ng bigla siyang natigilan at natulala sa akin, para bang nagulat siya sa ginawa ko. Nakababa ang labi niya kaya malaya kong nakikita ang mga pangil niya. Bakas pa rin ang pagkakagulat sa mukha niya. Ano bang nangyari?
Nagulat ako ng bigla na lang siyang tumilapon sa ere. Anong nangyayari? Malakas na tumama ang katawan niya sa puno at bumagsak ng malakas sa sahig katulad ng nangyari sa akin. Sinubukan kong hanapin ang may gawa nun pero miske ang ulo ko ay hindi ko maigalaw.
Sinubukan tumayo ni Russell pero agad din siyang tumilapon ulit patungo sa isa pang direksyon. Ilang beses iyon nangyari at pakiramdam ko mas nalamog ang katawan niya kesa sakin.
Sinong may gawa nun? Napaka bilis. Hindi makita ng mata ko. Sa malinaw na mata ko, ang tanging pagtilapon niya ang lang ang nasasaksihan ko. Anong nangyayari? May kumokontrol ba sa kaniya?
Nakita ko kung paano manghina si Russell pero napakalakas pa rin niya. Naalala ko, halimaw nga pala siya. Nang makatayo siya, doon ko biglang nakita ang isang anino na biglang sumulpot sa likod niya, at sunod na nangyari ay mabilis niyang hinawakan si Russell sa braso at malakas na binali ang buto niya, rinig ko ang daing nito pero mas nangibabaw ang pagkabali ng buto niya sa akin. Hindi pa natigil ang aninong 'yon at sunod niyang binali ang isa pa nitong kamay.
Hinawakan ng aninong 'yon ang leeg ni Russell gamit ang dalawang kamay at handa na itong baliin ng malakas na sumigaw si Russell.
"D-DONT!"
"You hurt my girl Russell, and you know the consequences for doing that."
A-alam ko ang boses na 'yon. Kilalang kilala. Lalo akong napahagulgol hindi dahil sa takot kundi dahil sa tuwa. Nandito siya. Hindi ko alam kung paano basta ang mahalaga ay dumating siya. Nandito siya para iligtas ako.
Lucaz,
"I won't do it again, just don't f*****g kill me!"
Papatayin niya si Russell? Doon ko lang napagtanto ang balak ni Lucaz. Ang pareho niyang kamay ay nasa leeg ni Russell at mukhang walang pagaalinlangan niya itong babaliin, sa oras na gawin niya 'yon, mapapatay niya ang pinsan niya.
Hindi. Ayokong gawin niya iyon. Ayokong makapatay siya dahil sakin.
"You messed up with me, you get that. See you to the other side, cousin."
Bago pa niya patayin ang pinsan niya ay sinubukan ko siyang pigilan, kahit hirap na hirap na ako, pinilit kong pigilan siya, dahil ayoko, ayokong makapatay siya. Ayokong maging masama siya. Ayoko.
"H-huwag,"
Nagtatakang tumingin sa akin si Lucaz at Russell. Nakita ko ang pag igting ng bagang ni Lucaz dahil sa pagpigil ko sa kaniya.
"You still trying to protect him even if he tried to kill you?" malamig at puno ng pagkadismaya ang boses niya.
No, baby.. don't think like that. Gusto ko rin siyang mamatay dahil sa ginawa niya sa akin, pero hindi ko maaatim na ikaw ang kikitil sa buhay niya. Ayokong maging mamamatay tao ka, ayoko.
Dahil sa panghihina, hindi ko na nagawa pang magsalita at tanging 'Huwag' na lang ang lumabas sa bibig ko ngunit walang boses. Mas gugustuhin ko pang makitang buhay ang taong nanakit sa akin, kaysa makitang pumatay ang taong mahalaga para sakin.
Kahit nagi igting ang panga at labis na galit ang nagbabadya sa kaniya, hindi niya nagawang patayin ang pinsan niya dahil sa akin. Mayroon siyang ginawa sa leeg nito dahilan upang bumagsak ng walang malay si Russell, hindi ko alam kung ano o papaano 'yon pero sigurado akong hindi niya pinatay ang pinsan niya.
Nakita kong may dalawa pang nagdatingan na tao. Ang dalawa pa niyang pinsan. Hindi ko na maalala ang pangalan ng isang lalake pero ngumiti siya sa akin, habang ang isa naman ay si Steffani na ang sama ng tingin sa akin. Hinawakan nilang dalawa sa magkabilang braso si Russell, binuhat nila ito at naglakad, pero hindi pa yata sila nakaka-apat na hakbang ng bigla na lang silang nawala sa paningin ko.
Nakita ko ang paglapit ni Lucaz sa akin kaya napangiti ako. itinaas niya ang ulo ko at ipinatong ito sa mga balikat niya na wari akong nakasandal sa dibdib niya. Kaagad kong naramdaman kung gaano kalamig ang katawan niya pero pakiramdam ko, naging komportable ako. Inilig ko pa ang ulo ko sa dibdib niya para mas makasandal ako sa kaniya.
"Dumating ka," aniya ko habang kinakapos ng hininga.
Humigpit ang yakap niya sa akin at sunod nun ay nakarinig ako ng mahinang pagtawa.
"I told you, I will protect you no matter what."
"Thank you, Lucaz."
"I am more than thankful when you came into my life, Shia."
"Ako rin, Lucaz."
"I know, but this time you have to forget."
Bigla akong nagtaka sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya, at halos malaglag ang panga ko ng makita ang kulay pula niyang mga mata.
Nagnining-ning ang pagka-pula ng mata niya dahil na rin sa kadiliman ng paligid. Bigla akong kinabahan. Katulad siya ni Russell, isang halimaw, sasaktan niya rin ba ako?
Dahan dahan niyang hinarap lalo ang mukha ko sa kaniya at ang tanging nakikita ko lamang ay ang napaka-pula niyang mata. Pakiramdam ko, para ako nitong nilulunod sa mga tinging iyon, para nitong pinapasok ang buong sistema ko at may sinabi ito sa akin na kahit ayaw ko ay siguradong gagawin ko, para sa titig na iyon.
"Forget everything that happened in this place, Shia Elizabeth."
Bago pa ako tuluyan mawalan ng malay, naramdaman ko pa ang pagangat ko sa ere at ang paghingi niya ng tawad.