"Why are you silent? I'm worried.." bahagya kong nilingon si Lucaz na ngayon ay nasa tabi ko. Ngumiti ako sa kaniya at mariing hinalikan sa labi. "Inaantok lang ako, Lucaz." "Alright. We will sleep then." siniil nito ng halik ang aking noo at labi bago nito pinikit ang mga mata. Nanatili akong nakasandal sa kaniyang mga bisig habang iniisip ang nangyayaring paguusap namin ni Dianne kaninang umaga. Ang aking mga nalaman ay hindi na nawaglit sa aking isipan. Totoo kaya ang sinabi niya na hindi sila totoong nakararamdam ng pagmamahal? Was Lucaz lying to me ever since? Mahal ko si Lucaz, sigurado ako sa bagay na iyan. Ang katotohanang tao ako at siya ay imortal ay tinanggap ko na rin dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Mamamatay ako habang siya ay mabubuhay pa ng daang taon, makakakilala ng

