"Dumito ka muna, Shia. Ako'y tutungo muna sa bayan at aalamin ang nangyaring komusyon doon. Babalik ako bago mag-tanghalian." paalam ni tito bago ito tumungo sa kaniyang asul na sasakyan. Huminga ako ng malalim tanaw ang sasakyan nito paalis. Mag-isa na naman ako rito sa bahay. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang umalis ako sa poder nila Lucaz. Hindi naman sa may nangyaring aberya, pero nagalala na rin kasi ako kay Tito dahil wala siyang kasama kaya nagpasya akong umuwi na rito. Tatlong araw na rin ang makalipas magmula nang maging busy si Lucaz. Simula nang dumating dito si supremo ay wala nang araw na naging libre si Lucaz. May mga inaasikaso raw sila, iyon ang pagkakaalam ko. Kung ano pa man din iyon, wala akong ibang planong gawin kung hindi ang suportahan siya. Madalas naman ay

