Kinabukasan, naging abala ang mga guro at estudyante sa paghahanda para sa gaganaping festival sa bayan, sinasaguta ito taon-taon para ipagdiwang ang kapayapaan sa Majesty Falls at kabilang ang unibersidad sa tungkulin para sa paghahanda. Sa buong isang linggo, nagaalay kami ng limang oras na pagtulong sa paggawa ng pangdisenyong gagamitin sa festival. Nilibot ko ang tingin sa paligid at katulad ng inaasahan ay iilan lang sa amin ang natutuwa sa nangyayari. Ang iba ay halos magchismisan lang sa likod at hindi na nagawa ang iniutos sakanila. "Shia, pakiabot naman ng gunting." Kinuha ko ang itim na gunting na nakapatong sa katabing upuan at iniabot iyon kay Amanda na busy sa paggupit ng papel. Isa sa mga nagustuhan ko kay Amanda ay ang pagiging dedicated niya sa ginagawa niya, hindi katul

