CHAPTER 12

2922 Words

Inayos ko ang medyo nalukot kong bestida na bulaklakin pagkababa agad ng sasakyan ni Tiyo. Hindi naman ako dating ganito pero ngayon makakaharap ko ang pinaka-respetadong tao rito sa Majesty Falls, pakiramdam ko ay kelangan kong maging presintable. Siya rin ang ama ni Lucaz kaya dapat maging maayos akong tignan. Hindi naman ako umaasa na ipapakilala ako ni Lucaz sa ama niya, dahil na rin sa estado ko sa buhay. Pero gusto ko parin na maging maayos at presintable ng sa gayon ay maganda ang tatatak ko sa isipin niya. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang mansyon ng mga Hollagan. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Nakita kong naglakad na si Tito kaya dali na akong sumunod sa kaniya. Magkahawak ang dalawang palad ko habang naglalakad, pakiramdam ko ay nanlalamig ako ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD