Malamig ang simoy ng hangin at napaka tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik ay waring naririnig ko na ang t***k ng puso kong nasasaktan sa desisyong paglisan ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi tama. Na mali ang desisyon na ito. Pero mas mali ang manatili sa lugar na kung saan ako lumingon ay alaala namin ni Lucaz ang nakikita ko. Plano kong bumalik ng Fordge Hills. Mayroon akong mga kaibigan doon, maaari nila akong matulungan. Kelangan ko lamang ng pansamantalang tirahan, hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Tama man o hindi, ang importante ay makalayo ako sa lugar na nasasakupan niya. Hindi ako nagpaalam kay tiyo dahil natutulog pa ito nang umalis ako ngunit nagiwan ako sakaniya ng sulat, sana lang ay maintindihan niya. Nalulungkot ako para kay tiyo dahil magisa na naman siya. I felt b

