One Year Later "Argh!!" sumubsob ang mukha ko sa sahig matapos akong ibalibag ng napakaraming bantay. Nanghihina akong bumangon at tinignan ang tatlong bantay na palabas ng silid. Malakas nilang sinarado ang pinto at narinig ko nalamang ang pag 'click' ng lock. Huminga ako ng malalim at nanlulumong tinignan ang lugar kung nasaan ako. Isang taon na akong nakakulong sa silid na ito na meron lamang isang kama, lamesa at banyo. Walang bintana. Tinignan ko ang apat na sulok ng dingding at nilapitan ang nasa kanan ko. Kinuha ko ang bato na nasa sahig at isinulat ang bagong bilang sa dingding. 101. Ito ang ika isang daan at isang beses na tumakas ako sa impyernong lugar na ito. Ngunit ni minsan ay hindi ako nagtagumpay at ang tsansa na makalaya ako ay parang napaka imposible na. Lumingon ako

