Mainit. Nakakapaso sa sobrang init. Puno ng mga sigawan ang paligid. Mga pighati, pagmamakaawa, pagkukumahog, sigaw ng mga buhay na unti unting nawawala. Ang mga puno ay nauubos at ang mga bahay ay nagbabagsakan. Lahat ay tinupok ng naglalangib na apoy. Every thing.. no! Everyone was burning. They are all helpless. They are being burned alive. They are experiencing hell before they even die. Tapos may malamig na kamay ang dumampi sa aking balat, hanggang sa naramdaman ko nalang ang aking paglutang. Wala akong ibang makita kundi apoy sa kahit saan, pero bakit unti unti na itong nawawala? Ba-bakit.. wala na akong makita? Napadilat ako dahil sa liwanag ng araw na sumisilaw sa aking mata. Matapos makapag adjust ng aking mata sa liwanag, nagulat ako ng makita kung nasaang lugar ako. Ilan

