VI. Ignored

1556 Words
Railey. "Saan ka galing?" Ito ang bungad ni Mom sa akin nang makarating ako sa bahay. Nakayuko akong naglakad papunta sa loob ng bahay. Wala akong panahon para sa sermon. Ganito pala yung pakiramdam ng nabusted ng isang Xy Jaymes. "Lumanghap lang ako ng hangin." Palusot ko. "Hindi ka pa magaling, sinabi ko naman na huwag kang lalabas baka masaktan ka." Muling paalala ni Mom. Sana nga nakinig na lang ako. Umakyat ako, at nagkulong sa loob ng kuwarto. Sinampal ko ang sarili kong pisngi habang nakatitig ako sa kisame. Bakit ko ba kasi siya hinahabol?! Muli kong sinampal ang pisngi ko. At talagang sinabi ko pa na uhaw ako sa atensyon niya?! This strange feeling is driving me crazy. Hindi pa ako naguluhan ng ganito dati. Ni hindi ko nga siya kilala?! At hindi rin maganda ang naging unang pagkikita namin. Tapos heto ako. Parang ginayuma! Ginayuma ng maganda, at perpekto niyang mukha. Hinayaan kong dalawin ako ng antok dahil na rin sa pagod, at hilo na nararamdaman ko. Napamulat ako, at napatingin sa paligid. Nakahiga ako sa mga tuyot na dahon, at nasa loob ako ng kakahuyan. Hindi ito katulad ng kakahuyan malapit sa Fairfield High, at hindi ito pamilyar. Napabangon ako nang may gumalaw sa paligid, mga kulay puting bagay, mabilis ang mga ito at tila lumilipad sa ere sa sobrang bilis. Nakita ko ang maliit na grupo ng mga armadong tao. Nakatutok ang mga baril nila, at parang may hinahanap sa paligid. Sinubukan kong gumalaw ngunit nakatali ang mga paa, at kamay ko. s**t! Ano nanaman ba 'to? Kailangan ko magtago! Napatingin ako sa mga paa ko, at halos mapasigaw ako nang malaman na ako'y hubad. Napabalikwas ako, at halos hinahabol ko ang paghinga ko nang mapagtanto ko na isang masamang panaginip lang 'yon. Pero halos mapatalon ako nang makita ko ang pares ng kulay bughaw na mga mata na nakatitig ng tahimik sa akin. Kilala ko ang mga mata na 'to. "Xy?" Ito ang nasambit ko. Kumaripas ako ng takbo para buksan ang ilaw pero wala na ang taong nakatayo malapit sa kama ko. Tumakbo ako sa bintana para tignan kung tumalon ba siya dito. Imposible? Kung tatalon siya dito mababalian siya ng buto sa sobrang taas. Naghahallucinate ba ako? Isang katok ang nagpatalon sa akin. Damn! Ilang gulat pa ba ang matatanggap ko ngayong gabi? "Railey kain na. Hali ka na sweetheart, nakahanda na ang pagkain para makainom ka na ng gamot." Narinig kong sabi ni Mom. Agad naman akong sumunod dahil gutom na talaga ako. "Musta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mom habang naghuhugas siya ng pinggan. "Okay na ako." Tipid kong sagot. "Late na akong nakapagluto ng dinner dahil may tinapos pa ako. Uminom ka na ng gamot, at magpahinga ka na ulit." Nakangiti niyang sabi. "Sorry kung dumagdag ako sa mga iniisip mo Mom dahil lumipat ako dito." Nakayuko kong sabi. Katatapos ko lang uminom ng gamot. "Railey, masaya ako dahil nandito ka. Hindi mo alam kung gaano ko gusto na makasama ka simula noon pa." Sabi niya. Hindi na ako nagsalita, at muling naglakad papunta sa kwarto. Hinanap ko ang cellphone ko, at napagtanto ko na nabasa ito noong umulan. Sinubukan ko itong i-charge pero ayaw na gumana. Pati ang mga notebook ko sa bag ay nabasa rin kahit na tuyo na ito ngayon ay mababakas na nabasa ito ng sobra. Pwede pa naman magamit ang mga ito, at ayoko na bumili ng bagong notebooks dahil halos hindi ko pa nagagamit ang lahat ng pahina nito. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa charger at pinakatitigan ito. Nalulungkot ako dahil ito ang pinakaunang cellphone ko. Hindi ito masyadong mamahalin dahil ito lang naman ang nakayanan kong pag-ipunan noong nagtatrabaho pa ako sa Calexico. Siguradong nagmessage na rin si Dad, at nag-aalala na dahil wala pa akong reply. Bumaba ako sa kuwarto, at nagpunta sa opisina ni Mom. Nakita ko doon na abala siya sa mga papel na sinusulatan niya. Oo, ginugugol niya ang buong buhay niya sa pag pirma ng mga papel. "Mom?" Tawag ko. "Yes, sweetheart?" Sabi niya habang patuloy na pumipirma. "Itatanong ko lang sana kung pwede akong gumastos sa bank account. Kailangan ko kasi ng bagong cellphone, nabasa kasi sa ulan yung phone ko ayaw na gumana." Sabi ko. Tumingin siya sa akin. "Railey, pera mo 'yon. Ikaw ang bahala sa kung ano ang pagkakagastusan mo. Syempre pwede kang bumili, kung gusto mo ako na lang--" Hindi ko siya pinatapos. "Okay na Mom! Ako na, ako na ang bibili! Baka bumili ka pa ng lumilipad na cellphone sa sobrang mahal." I chuckled. "Gusto mo bang bilihan kita ng mas malaki pa sa'yo?" Bakas ang sarcasm sa boses niya. We laughed. Narealize ko na hindi naman pala mahirap pakisamahan si Mom dahil madali siyang kausap sa mga bagay-bagay, hindi rin siya nangungulit, at hindi namimilit na sagutin ko mga tanong niya. With Mom, I found a different kind of privacy that I need for myself. "Papasok na ako bukas, sa tingin ko naman ay kaya ko na. Isa pa huwebes na bukas kailangan ko magpakita hanggang sa biyernes." Pagpaalam ka. "Sigurado ka ba na kaya mo na?" Tanong niya. Tumango-tango lang ako. "Okay, goodnight sweetheart! I love you." Sabi niya. "Love you too, Mom. Goodnight!" Bumalik na ako sa kuwarto, at muli kong itinuon ang pansin sa magulo kong bag. Inayos ko ito, at inilagay sa study table. 9o'clock na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nagpasya akong manood na lang ng kung ano mang palabas sa TV. Halos Alas-onse na rin noong dinalaw ako ng antok, at sa totoo lang ay parang ayoko na matulog dahil nitong nakaraang mga araw ay madalas akong binabangungot. Pero gawa na rin ng gamot ay mabilis akong nakatulog. "Akin ka lang." Bulong ng isang boses. Madilim ang paligid. Bangungot nanaman ba 'to? Nagsimula akong maglakad hanggang sa nakita ko ang pigura ng isang lalaki na nakatayo, at naghihintay sa paglapit ko. Iniabot niya ang maputla niyang kamay sa akin, at nang mahawakan ko ito ay lumiwanag ang paligid. Nasa dulo kami ng isang bangin, at sa ibaba nito ay naghihintay ang isang malalim na tubig mula sa malawak na dagat. Malakas na hinahampas ng alon ang mga matutulis na bato sa ibaba. Nakasuot siya ng kulay puting long sleeve polo, at nakatucked in ito sa maong niyang pantalon. Bahagyang nakabukas ang butones ng polo niya, at magulo ang buhok niya. Mahigpit ang yakap niya sa akin, at sinuklian ko ito ng isa ring mahigpit. Ayoko na magising. Tinignan ko ang mukha niya, at nakatitig ang mga mata niya sa akin. Walang emosyon ang mga ito, at mas nakalulunod ito kaysa sa tubig na naghihintay sa ibaba. Kailan ba magkakaroon ng emosyon ang mga matang ito? Alam kong panaginip nanaman ito, at sa pagkakataong ito ayoko na magising. Bumitaw siya sa yakap, at mahigpit akong hinawakan sa braso. Malamig ang mga kamay niya pero mas malamig ang mga titig na ibinibigay niya sa akin. Walang emosyon niya akong itinulak sa bangin. "Railey! Sweetheart!" Sigaw ni Mom habang niyuyugyog ako. Mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ko. Hinahabol ko ang paghinga ko nang magising ako. "Bad dreams?" Tanong niya. "Nightmare." Tipid kong sagot habang nakatitig pa rin sa kama ko. "Alas-singko pa lang ng umaga." Sabi ni Mom. Hinawakan niya ang noo ko, at pinakiramdaman kung mayroon pa ba akong lagnat. "Sigurado ka ba na papasok ka?" Tanong ni Mom. Tumango-tango ako. "Magluluto na muna ako ng almusal." Sabi niya bago umalis sa kuwarto. Iyon ang pinakamalalang bangungot na naranasan ko. Wala akong gana na kumain ng almusal, at lutang ako habang naliligo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alintana ang lamig ng panahon, at talagang hindi ako gumamit ng mainit na tubig para sa pagligo dahil lutang talaga ang pag-iisip. Marami ng estudyante nang makarating ako sa school, at parang na-magnet ang mga mata ko papunta sa Ferrari 488 na nakaparada sa dati nitong pwesto. "Railey! Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Shawn habang tahimik akong naglalakad sa corridor papunta sa unang subject ko. "Okay na ako." Nakangiti kong sabi kahit na hindi pa naman talaga. "Looks like you haven't sleep yet?" Sabi niya sa akin. "Nakapagpahinga ka ba talaga?" I nodded, "Yes. Okay na ako." Pag-uulit ko. "Anong nangyari kahapon?" Tanong niya. Napakagat ako ng labi alam ko naman na maraming magtatanong kung anong nangyari kahapon, at alam ko na pinag-uusapan ako ng mga estudyante ngayon. "May utang kasi si Xy sa akin. Hindi niya pa binabayaran." Pagdadahilan ko. Pumasok na kami sa classroom, at agad na napunta ang mga mata ko sa lamesa kung saan kasalukuyang nakaupo ang lalaking laman ng gabi-gabing bangungot ko. Nakatitig siya sa bintana. Ni hindi man lang niya pinansin ang pag galaw ng upuan sa tabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kung hindi niya ako papansinin hindi ko siya pipilitin. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya. Attitude ako, bakit ba? Tama nga siguro siya, kailangan ko na talagang kalimutan ang nangyari. Dapat ibaon ko na lang sa limot ang lahat para na rin sa  ikabubuti ko. "Thank you." Sambit ko ng hindi nakatingin sa kanya. Hindi niya ako tinignan pero alam ko na nakikinig siya. "Hindi na kita kukulitin pero sa tingin ko dapat lang na magpasalamat ako dahil kung wala ka doon malamang napahamak na ako." Sabi ko habang nakatitig sa table. Hindi siya sumagot. "Thank you." Huling sabi ko, at nakinig na sa discussion ni Mr. Wilson. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin pero pinigilan ko na ang sarili ko. I need to mind my own business, my own life. Hindi ko dapat hinahayaan na umikot sa kanya ang mundo ko. I have to ignore him bago pa lumala ang lahat ng ito. Kailangan ko na umiwas bago pa lumala ang pagkagusto ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD