V. Thirsty

1538 Words
Railey. Alam kong katapusan ko na, at kahit tumakbo pa ako ay wala na akong kawala. Pero sinabi ko na sa sarili ko na okay lang. Kung siya ang papatay sa akin ngayon okay lang. Nababaliw na ako, at ayaw kong tanggapin sa sarili ko na kinababaliwan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Naramdaman ko ang pagdampi ng braso niya sa likod, at binti ko. Wala akong sakit, o kung ano pa mang mali na naramdaman. Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere kaya naman nagmulat ako ng mata. Walang kahirap-hirap niya akong binubuhat sa malamig, at matikas niyang braso. Nagsimula ng pumatak ang ulan, at mas lumakas pa ito nang makalabas kami sa kakahuyan. Napakapit na lang ako sa batok niya, habang pareho naming sinasalo ang bawat patak ng ulan. Buhat niya ako hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Napatingin pa sa amin ang sa tingin ko ay Principal ng Fairfield High. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o dapat kong sulitin ang oras na ito habang kasama ko pa siya, at habang hawak niya pa ako sa mga braso niya. Napatingin ako sa mukha niya, sa mga mata niya na diretso lang ang tingin. I am drowning in those deep-blue eyes, and I don't want to be saved. Isinakay niya ako sa loob ng sasakyan, at iniupo sa front seat. Pumunta siya sa driver's seat, at hinalukay ang magulo na bag ko para kunin ang susi. Hindi ko alam kung bakit alam niya na naroon ang susi ng kotse ko. Binuksan niya ang heater ng kotse, at nagsimulang magdrive. Nanatili akong nakatitig sa kanya na para bang ayaw ko ng mawala siya sa paningin ko, na para bang ayaw ko na siyang pakawalan. Gusto kong magsalita pero nanatili akong tuod. Ni hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. "Buhay pa ba sila?" Ito ang unang tanong na namuo sa isip ko. "Gusto ko silang patayin." Hindi niya ako binigyan ng sulyap. I could barely hear his voice, it was like a whisper. Cold, but strangely pleasing to my ears. Pilit kong nilabanan ang antok, at panghihina ko dahil ayaw ko na mawala siya sa paningin ko kahit sa isang iglap. Pero unti-unting bumigay ang talukap ng mga mata ko hanggang sa dinalaw na ako ng pagod at antok. Nagising ako ng nasa kama na ako. Malabo pa noong una pero  nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang sarili kong kuwarto. Pero agad akong napabalikwas ng maalala si Xy Jaymes. Shit! Panaginip ba 'yon? Panaginip lang ba ang lahat? Nakita ko ang oras sa bedside table ko, 1o'clock ng tanghali. Agad akong tumakbo palabas ng kuwarto, at naabutan ko si Mom sa kusina na nagluluto. "Mom!" Sigaw ko. "Gising ka na pala. Sakto itong niluto kong sabaw para makahigop ka. Bakit ka lumabas sa kuwarto mo? Magpahinga ka." Sabi niya. "Bakit hindi mo ako ginising Mom? Late na ako. Hindi ako nakapasok ngayong araw!" Syempre may pakialam ako sa pag-aaral ko. Pero mas may pake ako kay Xy. "Anong late? Tumawag na ako sa school mo, at sinabi ko na may sakit ka. Mabuti na lang, at mabait yung batang naghatid sa'yo kahapon." Sabi ni Mom habang nagsasalok ng sabaw. Ibig sabihin totoo 'yon? "May naghatid sa akin kahapon, Mom? A-anong itsura niya Mom? Pwede mo ba siya idescribe?" Maputi ba siya Mom?! "Matangkad siya, kulay itim ang buhok, kulay blue ang mga mata niya, at maputi. Parang may sakit ang batang 'yon. Sobrang puti ng balat." Sabi ni Mom. "Xy Jaymes daw ang pangalan niya." "Totoo nga." Nasabi ko sa sarili ko. Totoo nga na muntik na akong marape! Totoo rin na iniligtas niya ako. Totoo na binuhat niya ako, at inihatid dito sa bahay. Sisipain ko talaga ang junjun ng walang-hiyang Ryan na 'yon kapag nakita ko pa siya ulit! Muli akong binalot ng takot nang maalala ko ang bagay na 'yon. Ayoko na magsumbong tungkol sa bagay na 'yon dahil ayoko na lumaki pa ang gulo, ang mahalaga ay ligtas ako. "Akin ka lang." Ito ang natatandaan kong sinabi ni Xy bago niya patumbahin ang tatlong lalaki na humahabol sa akin. Para sa akin ba 'yon? Hays! Nababaliw na ako sa mga nangyayari! Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko ulit marinig ang boses niya. Gusto ko makita ang bughaw niyang mga mata. Gusto ko magpasalamat. Tinapos ko ang tanghalian ko bago nagtungo sa kuwarto. Hindi ako mapakali gusto ko siyang makita. Kahit na hindi pa humuhupa ang lagnat ko gusto kong magpunta sa Fairfield High para makita si Xy. Muli akong humiga, at napatingin sa kisame. Hindi na ako nakakaramdam ng antok ngayon dahil sobrang haba na ng tinulog ko mula kahapon hanggang kanina. Napatingin ako sa oras 3:30 PM. Dalawa't-kalahating oras na akong nakatulala, at nag-iisip kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi niya. Bakit siya naroon sa kakahuyan? Bakit nakasuot siya ng pantulog, at mukhang naistorbo sa pagpapahinga? May bahay ba sila sa loob ng gubat? Malapit lang ba sa school ang bahay niya kaya malakas ang loob niya na lumiban sa klase? Masyado bang malakas ang pagsigaw ko kaya nabulabog ang pagtulog niya? Sumisigaw ba ako habang hinahabol nila ako? Bakit niya ako iniligtas kung galit na galit siya sa akin? Bakit? Damn! These thoughts are driving me insane! I have a lot of questions, at alam kong siya lang ang makasasagot ng mga ito. Dala ko ang susi, at kahit nakasuot ako ng pantulog ay pasikreto akong nagpunta sa garahe. Pinaandar ko ang sasakyan ko, at nagmaneho paalis sa bahay. I really hate this idea but I found myself waiting on school's parking lot. Agad kong hinanap ang Ferrari 488, at nakita ko ito kung saan ito nakaparada noong unang araw na nakita ko ito. I have to wait for 20 minutes dahil 4o'clock ang uwian. 10 minutes... I turned on the radio para hindi ako mainip. s**t! Nahihilo ako. Alam ko na hindi dapat ako nandito dahil nga may sakit pa ako, pero mas mahihirapan ako kung wala akong makukuhang sagot, at kung hindi ko siya makikita. 5 minutes... "Alam kong pumasok ka ngayong araw, Xy." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Nagsimula ng lumabas ang mga estudyante. Halos sabay-sabay sila, at mahihirapan akong maghanap kung nandito ako sa loob ng kotse. Kaya naman kahit nahihilo ako ay lumabas ako sa kotse, at sumandal sa bumper ng kotse ko habang nakahalukipkip. Nagsimula na akong pagtinginan ng mga estudyante dahil sa suot ko. Damn it, Xy! Nasaan ka na ba?! "Hello, Railey! Sabi ng Mom mo may lagnat ka?" Sabi ni Bruce na sinundan naman ni Shawn, at José. Tumango na lang ako, at hindi sila pinansin. Kailangan kong mahanap si Xy. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nakasuot ng pantulog?" Tanong ni Shawn. I just ignored the three of them. Wala na akong pake sa mga estudyante na tumitingin sa akin kahit pa naririnig ko ang mga pag-uusap nila sa harap ko. Agad kong natanaw ang matingkad nilang balat, una kong nakita si Katherina, kasama si George, at nasa likod nila ang lalaking hinahanap ko. Kahit nahihilo ay kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila, sa kaniya. Nababangga ko na ang ilan sa mga estudyante pero wala wala akong pakialam. Malapit na! Napatingin sa akin sila Katherina, at George. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla akong nasalo ni George bago pa ako tuluyang madapa. "Okay ka lang?" Tanong ni Katherina sa akin. Inalalayan ako ni George na makatayo. "Gusto ko siyang makausap." Ito ang tanging nasabi ko habang hinahabol ko ang bawat paghinga. Ni hindi ko na pinansin ang tanong ni Katherina sa akin. Napatingin sila sa akin, bago kay Xy. Binitawan ako ni George, at nagsimula na silang maglakad palayo para bigyan kami ni Xy ng privacy. Privacy para saan? "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ni hindi man lang niya ako tinignan. "Bakit mo ako niligtas?" Tanong ko. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. "Hindi ba pwedeng pasalamatan mo na lang ako?" Tanong niya. Nagsimula siyang maglakad, mas mabilis na ngayon. Halos takbuhin ko ang bawat hakbang niya. "Anong ginagawa mo sa kakahuyan?" Tanong ko ulit. Hindi niya ito sinagot. "Bakit ang sama ng tingin mo sa akin noong unang araw na nakita mo ako?" Tanong ko ulit. Sandali siyang napatigil ngunit muling nagpatuloy sa paglalakad. "Pansinin mo naman ako?! Hindi mo ba nakikita? Uhaw ako sa atensyon mo!" Halos piyok na sigaw ko. Tumigil siya sa paglalakad, at humarap sa akin. "Bakit ka ba galit sa akin? Ano bang nagawa ko sayo?!" Tanong ko. Damn! Did I say I am thirsty for his attention?! "Pasalamatan mo na lang ako, at kalimutan mo na ang nangyari." Halos bulong lang ang lumabas na boses mula sa kanya. His voice is a kind of medicine for me kahit pa masakit ang mga salitang binibitawan niya. "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong akin ka lang?" Tanong ko ulit. Napansin ko ang pagbabago sa expression niya. Muli niya akong tinitigan. Can I have those pair of deep-blue eyes forever? "Pakiusap, kalimutan mo na lang ang nangyari." Sabi niya sa malungkot na boses. "Xy Niall Jaymes! Sagutin mo ako!" Sigaw ko. Nakakaubos ng pasensya ang lalaki na 'to! Napatingin sila Katherine, at George sa amin. Pati na rin ang mga estudyante sa parking lot. "Please, sagutin mo ang mga tanong ko." Bulong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Umiling-iling siya bago ako tinalikuran. Sumakay na siya sa kotse, nilapitan naman ako ni Katherina at marahan na tinapik ang balikat ko. She feels sorry, ganun din si George. Pumasok na sila sa kotse, at umalis. Habang ako ay naiwan ng mag-isa, at nakatulala sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD