CHAPTER ONE
KATRINA
"Katrina sinasabi ko sayo, huwag kang pasaway kapag nandun na tayo sa bahay nang mga amo ko. Wala sila ngayon, pero darating sila sa susunod na linggo. Kaya pagdating natin doon bukas tuturan kita sa mga gawain." Paliwanag ni Ate Lourdes sa akin. Umuwi siya dito sa amin dahil kukunin niya ako para magtrabaho sa bahay ng kanyang amo. Dati daw kasama ni Ate ang tatay ng kanyang amo. Hanggang sa nakilala niya ang amo nya ngayon. Nagulat nga ako nang may pumunta dati dito na mga lalaki para daw tulungan si Ate. Wala naman trabaho si Kuya Brandon, kaya sumama nalang sila sa Manila. Para duon magtrabaho sa mansyon ng kanilang amo. Hanggang high school lang ang natapos ko dahil nagka sakit ang aming magulang kaya ang sahod ni Ate Lourdes ginamit sa pag pagpa gamot kay Nanay. Namatay si Nanay, sa kanyang sakit nung isang buwan. Kaya ngayon kukunin ako ni Ate para mag trabaho at para makaipon. Para sa susunod na taon ipag patuloy ko ang aking pag aaral. Si Lia at Kuya Brandon naiwan duon. Umuwi lang si Ate para sunduin ako. Magkapatid lang kami ni Ate sa ina. Hindi ko nakilala ang tunay kong ama kahit pangalan niya ay hindi ko alam. Kahit minsan hindi binanggit ni Nanay ang pangalan nang aking Tatay hanggang sa namatay si Nanay. Hindi niya talaga sinabi sa akin kong sino ang aking tunay na ama. Ang tatay naman ni Ate Lourdes ay matagal nang namatay. Nag i-impake ako ngayon ng aking mga gamit. Dahil alas singko ng umaga mamaya ang byahe ng bus patungo sa Pier.
"Ate, mga mabait ba ang amo mo? Okay lang ba sa kanila na mag aral ako kapag naka ipon na ako?" Tanong ko kay Ate. Hinawakan niya naman ako sa aking kamay saka ngumiti.
'Oo naman, napaka bait nila. Huwag kang mag alala tutulungan naman kita. Basta huwag ka lang gumawa ng masama duon walang mangyari sa'yo." Paliwanag ni ate sa akin.
Alas tres nang madaling araw nagising ako o tamang sabihin na hindi talaga ako nakatulog. Excited na ako na maka tungtong ng Manila. Naligo ako kaagad at nagbihis. Ingat na ingat ang aking paghakbang dahil tulog pa si Ate. Alam kong pagod siya sa byahe tapos mamaya ba-byehe na naman. Tumabi siya sa akin kagabi dahil sobrang niya raw akong na miss. Ako din, miss na miss ko ang Ate. Pagkatapos kong maligo at magbihis. Lumabas na ako sa aking silid para mag init ng tubig. Pagka init ng tubig nagsalin ako sa dalawang baso para magtimpla ng kami at para kay Ate. Sakto pagkatapos kong mag timpla lumabas din si Ate na humihikab hikab pa.
"Good morning Ate. Pinag timpla na kita ng kape Ate." Sabay bigay sa kanya ng tasa ng may laman na kape. Umupo naman siya sa upuan at kinuha ang kape.
"Good morning, Kat-kat! ang aga mo ah? Saka naka ligo at naka bihis ka na rin? Mukhang hindi excited ah!" Pagbibiro ni Ate. Ningitian ko lang siya at sumimsim din ng aking kape. Pagka ubos ni Ate nang kanyang kape. Naligo na rin siya para makaalis na kami. Sa Pier nalang daw kami kakain ng almusal.
"Mag ingat kayo sa byahe niyo , Lourdes, Kat-kat. Lourdes huwag mong pabayaan ang kapatid mo. Alam niyo naman na kahit mahirap lang tayo, mahal ko kayo bilang mga pamangkin ko. Kat-kat mag-aral ko ng mabuti duon. Para kahit wala na si Nanay mo. Masaya pa rin siya na nakatanaw sa'yo sa langit." Paalala sa amin ni Tiyang Nadia. Kapatid ni Nanay. Si Tiyang Nadia ang titingin tingin muna sa bahay. Nasa kabilang baranggay naman ang bahay ng mga magulang ni Kuya Brandon. Sinabi nila na minsan puntahan lang nila para linisan, para kahit anong oras ay may uwian kami.
"Maraming salamat Tiya Nadia." Pangako po hindi ko pabayaan si Katrina sa Manila." Sabi ni Ate.
"Maraming salamat Tiyang. Mag aaral po ako ng mabuti Tiyang, kapag makapag umpisa na akong mag- aral. Mag ipon pa naman po ako. Salamat sa pag gabay at tulong mo sa akin nung nawala na si Nanay." Naluluha kong turan kay Tiya. Niyakap namin si Tiya bago kami sumakay ng traysikel papunta sa terminal. Para sumakay ng bus papuntang pier.
" Wow, Ate! ang handa ang laki laki ng bahay." Napa awang ang aking labi sa sobrang pagka mangha sa ganda at laki ng bahay. Pwedi na kayong mag tagu- taguan. Sa laki ba naman ng bahay baka hindi ka mahanap. Hinawakan ako ni Ate sa kamay para pumasok na sa loob pagkatapos niyang magbayad sa taxi na sinakyan namin. Hindi ka pa basta basta makapasok sa subdivision kong walang I'd. Sobrang higpit ng security guard. Pero parang hindi mga security guard. Ang gu-gwapo. Kinurot nga ako kanina ni Ate nang naka tulala ako kay Kuyang guard. Kung ganun ka gwapo ang mga security guard parang ayaw ko nalang umalis duon kanina. Pero char char lang. Baka makurot ako ni Ate sa singit.
"Pumasok na tayo sa loob, kung maganda dito sa labas mas maganda sa loob. Saka ipakilala kita sa mga kasamahan pa natin." Turan ni Ate sa akin.
"Marami pala kayo dito Ate? Mga mabait din ba sila?" Tanong ko kay Ate, habang naglalakad kami papasok sa loob. Ang layo pa ng bahay nila mula sa gate. Grabi sa mga palabas ko lang ito nakikita. Ngayon nakikita ko na at makapag trabaho pa.
"Sa dulo nakita namin si Lia na naglalaro na mag isa. Kaya mabilis ang hakbang namin ni Ate para makalapit sa kanya.
"Lia, anak. nasaan si Papa mo? Bakit mag isa ka lang?" Tanong ni Ate. Nagliwanag naman ang mata ni Lia nang makita kami.
"Mama, Tita ganda." Saka tumakbo palapit kay Ate at yumakap. Pagtapos pumunta naman sa akin saka yumakap at humalik. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Wow bigat mo na ah! marami bang mga pagkain dito? mas lalong kang gumanda Lia baby ko." Walong na taon si Lia. Naalala ko dati, pag uwi nila galing din dito sa Manila. Dalawang taon pa lamang siya. Ngayon walong taon na.
"Miss kita, Ate ganda. Ikaw din po ang ganda ganda mo din. Sa'yo nga ako nag mana sabi mo eh." sagot ni Lia sa akin saka yumakap muli.
"Very good. Dapat sa akin ka talaga magmana."
"Hoy Katrina huh! Huwag mo nang turuan si Lia nang kung ano ano. Saka bawasan mo ang pagka isip bata mo. Lalo na kapag dumating ang mga amo natin." Turan ni Ate sa akin. Napakamot nalang ako sa aking ulo saka tumango. Hinawakan ni Ate ang kamay ni Lia para dalhin sa loob.
"Nasaan si Papa mo baby ko?" Tanong ni Ate kay Lia habang naglalakad na kami papasok sa mansyon. Hindi na nasagot ni Lia ang tanong ni Ate dahil sumulpot si Kuya galing likod bahay at may bitbit na bunga ng babayabas. Binigay niya naman ito kay Lia at hinalikan si Ate sa labi.
"Sana all may ka halikan." sabi nang maharot kong isipan.
"Mahal kanina pa ba kayo? Gusto daw kasi ni Lia, kumain ng bayabas kaya kumuha muna ako." Tapos bumaling si kuya sa akin.
"Katrina, mabuti at sumama ka, kay Ate mo. Sigurado magustuhan mo dito." Sabi ni Kuya sa akin.
"Opo, Kuya. Gusto kong mag ipon para makapag aral muli. Nakakahiya na kasi sa inyo ni Ate. Nag-aaral na rin si Lia." Nakakahiya na kasi sa kanila ni Ate. Lahat na sahod ni Ate napunta kay Nanay. Mabuti nalang mabait si Kuya at hindi nagreklamo.
"Sus, wala 'yun. Sino pa ba ang magtulungan kundi tayo. Halika na kayo sa loob kumain muna kayo at magpahinga. Mahal wala naman trabaho ngayon ginawa ko na lahat kanina. Alam kong pagod pa kayo ni Katrina sa byahe. Tapos na rin ako sa garden. Kaya magpahinga muna kayo buong araw." Pumasok kami sa loob. Pagpasok ko sobra akong namangha parang ayaw kong umapak sa sahig. Napaka kintab ng sahig. Mas makintab pa sa pagmumukha ko. Grabi pwedi na nga dito ako matulog. Hindi ako kumukurap habang tumingin sa paligid ng loob ng mansyon. Napaka linis at napaka ganda. Ngunit naagaw nang atensyon ko ang malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Apat na malaking picture. Marahil ang dalawang magkayakap na parang may edad na lalaki at babae. Sila ang mag-asawa at ang babae naman na nasa unahan ay kanilang anak. Ngunit mas napanganga ako nang makita ang picture ng lalaki. Sobrang gwapo, mas gwapo pa sa oppa na pinapanuod ko sa K-drama. Ang tangos nang ilong, singkit na mata ang linis linis nang mukha. Mas lalo pa akong lumapit sa picture ng lalaki. Bakit biglang bumilis ang t***k nang aking puso? habang nakatingin sa kanyang picture. At parang nakatingin din siya sa akin.
"Sila ang mga amo natin." Napapitlag ako nang magsalita si Ate sa aking likuran. Hindi ko na nakita si Lia at Kuya Brandon.
"Ang gwapo niya, parang crush ko na siya kaagad." Wala sa sarili kong sambit kay Ate, pero naka tikim ako ng batok sa ulo.
"Aray, Ate! ang sakit naman." Pagreklamo ko habang hinihimas himas ang aking batok.
"Umayos ka Katrina, amo natin 'yan. Saka matanda na 'yan at may kasintahan na si Sir Harlem. Balita ko nga malapit na silang magpakasal." Biglang kumirot ang aking puso sa nalaman. Hayts malapit pa lang naman sila ikasal. Hindi pa sila kinasal kaya pwedi pa. Sabi nang maharot kong isipan.