THIRD PERSON Nanginginig ang buong katawan ni Katrina ng sinabi ng kanyang daddy na nasa ospital si Lia. Kaya wala siyang pagdalawang isip na umuo ng sinabi sa kanya ni Mr. Groffer na kailangan nilang pumunta ng Pilipinas. Hindi niya muna iisipin kung ano man ang mangyari sa kanyang pagbalik ng Pilipinas. Ang importante sa kanya makita ang pamangkin. Kaagad siyang nag impake ng kanyang mga gamit. Dahil sinabi ng kanyang daddy na alas onse ng gabi ngayon ang kanilang flight. Alas otso na ng gabi kaya mabilis niyang inayos lahat ng kanyang gamit. Pagkatapos nilang mag-ayos ng kanyang daddy. Kaagad na nagpa hatid sila sa TORONTO CITY Airport.Tinawagan din ni Mr. Groffer si Mrs. Groffer para ipaalam na pupunta muna sila ng Pilipinas. Pagdating nila sa airport naghintay pa sila ng dalawang or

