THIRD PERSON Kuya bakit parang Bernes Santo 'yang pagmumukha mo? Parang pinag sukluban ka ng langit at lupa. Ang aga aga nakasimangot ka?" Tanong ni Esme ng pagpasok niya sa opisina ng makita niya si Harlem na nakasimangot habang nakaupo sa kanyang mesa dito sa opisina. Tatlong buwan na simula ng dumating si Katrina. Hindi makapag trabaho ng maayos si Harlem sapagkat iniisip niya si Katrina. Mula n'ong dinala niya si Katrina sa kanyang condo. Nakatulog ang dalaga ngunit pagka-gising ni Katrina sinabi niya na hindi na maibalik pa ang dati. Nagpahatid si Katrina sa kanilang bahay. Araw-araw naman dumadalaw si Harlem ngunit ramdam niya na lumalayo si Katrina sa kanya. Nakalabas na rin sa Lia at naging okay na ang kanyang sakit. Ang lapit na ni Katrina sa kanya pero pakiramdam ni Harlem sobr

