THIRD PERSON Maagang nagising si Harlem para sa gawing surprised kay Katrina. Pag-gising niya napangiti siya ng mahimbing pa rin ang tulog ni Katrina. Hinalikan niya ito sa labi saka maingat na bumangon sa kanilang kama upang hindi magising si Katrina. Yumuko din siya upang halikan ang tiyan ni Katrina. Pagkatapos pumasok na sa banyo upang maligo. Sakto pagkatapos niyang magbihis nag message sa kanya si Allan na nasa labas ito ng condo. At dala na ang bulaklak na inorder niya kahapon para kay Katrina. Kaya maingat niyang binuksan ang pinto ng kanilang silid at binuksan si Allan. Pagkuha niya ng bulaklak bumalik siya sa silid upang ilagay ang bulaklak sa side table nilagyan niya din ng notes at sinabi na umalis siya ng maaga. Hinalikan niya ulit si Katrina bago lumabas ng kanilang silid

