IN A JIFFY ALEX Gaya nga ng sinabi ni Philip, dumating siya sa mansyon exactly 20 minutes pagkaraan ng kanyang tawag. Thankfully I was already bathed kaya nagpalit lang ako into a casual pink dress and nag-apply ng light makeup. Hindi na ako nabigla nang makitang kasama niya sa loob ng Volvo sina Jade at Riley. The front seat was empty dahil nasa back seat si Jade kasama si Riley na nakaupo naman sa baby seat niya. She immediately smiled at me nang makita ako kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil sa mga naisip kanina. She’s too nice. Bumukas ang pinto ng backseat at lumabas roon si Jade. I didn’t expect na bababa pa siya para lang batiin ako. Agad ko namang napansin ang kanyang baby bump. It’s slightly bigger than the last time I saw he

