JUST COMING ALEX Nang magising ako kinaumagahan ay wala na si Philip sa aking tabi. Agad akong nakaramdam ng lungkot. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang umalis siya. 4am kasi ang flight niya kaya kailangan mga 3am ay nasa airport na siya. Gumulong ako patungo sa side niya ng kama at dumapa roon, inhaling his scent on his pillows. I miss him already… Napapabuntong hininga na lamang ako habang yakap ang kanyang unan saka napipilitang bumangon sa kama. I was still naked when I got up from bed. Let’s just say sinulit namin ang buong gabi before siya umalis. I wonder if he even slept at all. Ang agad niyang gumising kanina sigurado, I bet he didn’t get any sleep na. Sana makapagpahinga siya during his flight. Hindi na ako nag- abalang magtakip ng katawan habang naglalakad sa room dahil w

