Kier IT’S BEEN a month. Me and Mia were still dating. Okay naman ang relasyon namin. Madalas nasa bahay lang kami at nanonood ng movie. It was actually good to have a movie buddy. Halos pareho ang lahat ng hilig namin. Kaya sa halos lahat ng bagay ay magkasundo kami. Puwera lang kay Pogi. Takot talaga siya sa aso. Kaya every time na nandito siya, ikinukulong ko si Pogi. Ang sakit makita na ikinukulong ko ang aso ko. Never kong ginawa kay Pogi iyon. Kahit kapag namamasyal kami, kinakarga ko lang ang siya para dalhin. Sinubukan ko naman mawala ang takot ni Mia kay Pogi, kaso wala talaga. Kagigising ko lang. Ang ganda ng sikat ng araw sa labas na tumatagos sa mga bintana ng bahay ko. Ako lang at si Pogi sa bahay ngayon kaya malaya siyang nakakatakbo. Naka-boxer shorts lang ako at gumagawa

