Valerie SIGURO aalis na lang talaga ako. Ano ba ang laban ko sa kamukha ni Jana? Next week na. Aalis na kami ni Shane papuntang South Korea. Kaya ko ba? Kaya ko kayang mawalay kay Kier? Ano ba, Valeng, Kier pa din ba? May Mia na nga `yon, eh. Bakit ba kasi bigla na lang si Kier ang mahal ko? Si Shane `yon dati, eh. Pero ngayon kahit na ano ang gawin ko, hindi ko maibalik `yong dati kong pagkagusto kay Shane. Today is the day. Despedida vacation daw sabi ni Papa. Nalulungkot si Papa sa mangyayaring pag-alis ko next week pero `buti na lang at may Tita Evang na sa buhay niya. “Valeng anak, ready ka na ba? Nandito na mga kaibigan mo! Ikaw na lang hinihintay at aalis na tayo!” tawag sa akin ni Papa. “Pababa na po, `Pa!” Isang oras na akong pumipili pero hindi pa rin ako makapag-decide ku

