Kier BALIK-OPISINA na ako. Nadagdagan na rin ang mga kasama ko rito bukod kay Alleiea. Kumuha na ako ng guard, assistant attorney, isa pang secretary para mapaghandaan ang pagli-leave na si Alleiea for maternity. Though matagal pa, kailangan ready. Si Valerie naman ay balik sa pagiging member ng Four Maidens. Madalas ko siyang panoorin sa Internet. Si Shane din ay balik sa pagiging pop star at artista dahil pareho sila ni Valerie na commited sa kontratang pinirmahan nila noon. Minsan nga naiisip ko na baka mas madalas silang magkasama doon dahil parehas sila ng network. Nagseselos ako kapag ganoon. Parang lumalalim na yata nararamdaman ko kay Valerie. Kakatapos ko lang ng mga gawain ko sa opisina nang biglang mag-message si Valerie sa akin. Valerie: Hey, puppy! Kumusta na? Dito ka

