Kier WHAT the hell? Ano ang problema ni Valerie at kailangan niyang tanungin kung kaninong soup ang mas masarap? Nagseselos ba siya kay Alleiea? Hmm... Mukhang pagkakataon ko na para bawian ang dragon na `to. Aasarin ko nga... Muli akong humigop ng mainit na sabaw mula sa chicken soup ni Alleiea at ipinakita ko kay Valerie na sarap na sarap ako. “Hmm, yummy! Ang sarap nito. Thank you talaga dito, Alleiea.” Ngumisi ako at tumingin kay Valerie na sobrang sama na ng tingin sa akin. Naka-cross arms siya at parang uusok na sa galit. Nakakatawa siyang tingnan. Ilang saglit pa, bigla siyang tumayo. “Shane, halika na! Uuwi na ako.” Lumabas si Valerie ng pinto nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Sumunod din si Shane sa kanya pero nagawa naman niyang magpaalam sa amin ni Alleiea. Asar-ta

