Kier HINDI ako agad nakasagot sa sinabi ni Shane na kukunin na raw niya si Valerie. Iba ang nararamdaman ko. Para bang nagseselos ako at ayoko na umalis si Valerie sa tabi ko. “I think Val have stayed long enough to care for you. I can get you a private nurse. Since wala na si Mr. Valdez wala na rin threat sa mga buhay natin.” Tama si Shane. May mga pagkakataon na nakakahiya na kay Valerie. But she was always insisting na alagaan ako. Bukod pa doon, masaya ako na kasama ko si Valerie ngayon. Naputol ang usapan namin nang makabalik si Valerie sa sala. “Shane, pag-usapan natin uli ang tungkol diyan mamaya. Sa ngayon tikman mo muna ang dragon soup este chicken soup ni Valerie,” alok ko kay Shane. Magkahalong gulat at excitement naman ang nakita ko sa mukha ni Shane. “Talaga? Hindi ko a

