Kier “KIER... Kier, please... Kier, wake up...” Nagising ang diwa ko sa pag-iyak ng isang babae. Ang lambot ng pakiramdam ko sa likod. Nakahiga na yata ako sa isang kama. Parang nasa ospital yata ako. I heard a beeping sound of a machine and I smelled some medicine. Bahagya kong idinilat ang aking mga mata para makita ang paligid. Tama, nasa ospital na nga ako. Nakita ko si… Valerie na nagbabantay sa akin. Nakayuko lang siya at umiiyak. Hindi pa naman ako patay pero iyak na siya nang iyak. Hmmm... Biruin ko nga. Ilang saglit pa, pumasok sa kuwarto sina Mama at Papa. Hindi pa ako gaanong nagmumulat ng mga mata para hindi nila mahalatang gising na ako. Hinaplos ni Mama ang likod ni Valerie. “Hija, magpahinga ka muna. Kami na muna ng Papa ni Kier ang bahala sa kanya. Halos isang lingg

