Chapter 38: Revenge

3128 Words

Kier MADILIM ang paligid... At amoy-kalawang... Hindi ako makagalaw. Ramdam ko na nakatali ako sa isang upuan at nakapiring. Maging ang mga kamay at binti ko, nakatali rin. Sinubukan kong kumawala sa pagkakatali pero sobrang higpit niyon. “Bossing, gising na itong isa,” narinig kong sabi ng isang lalaki. “Sino kayo? Ano’ng kailangan niyo sa amin? Nasaan ang mga kasama ko? Nasaan sina Valerie at Shane?!” natataranta kong tanong. Pinilit kong magpumiglas sa pagkakatali para makawala nang bigla kong makaramdam ng suntok sa aking mukha. “Shut the f**k up!” narinig kong sabi ng lalaking naunang nagsalita. “Gisingin n’yo na `yong dalawa.” Familiar sa akin ang nagsalita. Naloko na... “Yes, boss!” Biglang sumigaw si Valerie at narinig kong nagtawanan ang mga lalaki. “Bitiwan n’yo siya!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD