Kier I DROVE my car to get to our meeting place. Ano kaya ang trip nito ni Valeng? Ang layo pa naman ng MOA seaside. Matapos ang ilang minuto o oras yata ng pagmamaneho, nakarating ako sa meeting place namin. Nauna ako dahil mukhang wala pa siya rito. Agad akong nag-message sa kanya para sabihin na nandito na ako. Me: Valeng, saan ka na? Dito na `ko. Valerie: Bilis mo, ah. Teka maliligo na `ko. Me: What?! Maliligo ka pa lang?! Akala ko ba three PM tayo magkikita. Valerie: Hahahaha. Sorry na. Me: Pinagtitripan mo lang ba ako? Valerie: LOL. Me: Hanep ka talagang dragon ka. Yari ka sa `kin sa susunod. Uuwi na ako. Velerie: Sige uwi ka na. Hahaha Lokong dragon `to! `Lakas talaga ng trip. May araw rin sa akin `yon. Agad akong bumalik sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Habang bumibiyahe

