Kier KINAKABAHAN ako. Sana okay lang si Mia. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa kinaroroonan ni Mia. Apparently, she’s trapped somewhere. Naka-undercover daw pala siya ngayon at hindi makalabas sa isang casino. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe, narating ko ang casino kung nasaan si Mia. Agad akong pumasok sa loob at hinanap siya. Nakita ko siyang pinalilibutan ng mga lalaking Indiano. Ano man ang nangyayari, kailangan niya ako. Nakita ako ni Mia na papalapit sa kanya kaya kinawayan niya ako. “Honey! I’m here!” sabi niya. Sumingit ako sa gitna ng mga Indianong amoy-curry powder. Paglapit ko sa harap ni Mia. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa batok at halikan sa mga labi. Napahawak din ako sa batok niya at tumugon ng halik. Napakalambot ng mga labi niya at a

