Valerie ANG TAGAL. Ano ba kasi iyong sasabihin ni Shane at bakit parang hindi niya mabigkas? Kung gusto niya ako, sabihin na niya kasi gusto ko rin siya. “Valerie...” Biglang hinawakan ni Shane ang mga kamay ko na nakapatong sa table. Nakatitig pa rin siya sa akin at ganoon din ako. “Yes, Shane?” “Valerie, I don’t know exactly what I feel about you. But I am really happy when I’m with you. Wala kang arte sa katawan at napakagaan mong dalhin. Gusto ko na palagi kang kasama, gusto kong palagi kang nandiyan,” sabi ni Shane. Hindi ako nakapagsalita. Natulala lang ako sa kanya at bahagya pang nakabukas ang bibig ko. “Valerie... I... Uh... I... I like you as my very special friend.” Seryoso si Shane base sa mga tingin niya sa akin. At… ako naman itong gaga, assumera. `Ayan tuloy! Friend

