Valerie ANG BILIS ng t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na ganito rin kabilis ang mga pangyayari. Maghahalikan ba kami ni Shane? OMG! Nakapikit pa rin ako at naghihintay sa matamis niyang halik. Waiting... Waiting... Waiting... “Valerie? Are you okay?” tanong ni Shane. Nasa ibaba pa rin pala ako. Shocks! Nag-daydream ako sa harap niya! Hindi pa pala ako humahawak sa kamay niya at wala pa kami sa stage. Nakakahiya talaga! “Ay, sorry, Shane.” Humawak ako sa kamay niya para umakyat na sa stage. Akala ko, mangyayari ang daydream ko, pero hindi pala. Maayos pala niya akong naikyat sa stage. Sayang! Umasa pa naman ako. Akala ko, may glimpse na ako ng future namin. Tingin ko, nag-blush ako. Nakakakilig na malamang alam pala niya ang pangalan ko. “Sige, game. Ipakita mo nga uli sa akin

