Kier HABANG binabasa ko ang diary ni Valerie, napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang may kakaibang puwersa, parang nabubuhay ang mga cells ko. Dear, Mobile Diary, Today I met and I think made a new friend. His name was Kier “Panget” de Leon. Pasahero siya ni Papa, isang Law student, at lagi siyang nagpapasundo sa taxi namin. Kaya lang itong araw na ito, may sakit si Papa kaya ako ang nag-volunteer na sunduin si Kier. Akalain mo `yon, siya pala `yong pangit na mayabang na may-ari sa cute na aso na si Pogi sa airport. Ewan ko ba, pero `pag nakikita ko siya parang lagi akong may urge na lagi siyang asarin. Ang pikon niya kasi, eh. Pero mukhang mabait naman siya. Kaya lang ayaw niya sa K-pop kaya ayaw ko na din sa kanya. Ang daming nangyari ngayong araw, hindi ko ma-explain pe

