Kier ANO ANG nangyayari? Bakit ako hinahalikan ni Valerie? Ang lambot at ang init ng mga labi niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Anong klaseng pakiramdam ito? Bakit parang nadadala ako? This is wrong, but... Sumabay naman ang tugtog sa radyo ni Manong taxi driver—isang love song. Habang parang biglang saglit na tumigil ang paghinga ko. Kissing you is not what I had planned And now Im not so sure just where I stand I wasn't looking for true love But now you're looking at me You're the only one I can think of You're the only one I see Napapikit din ako habang naghahalikan kami ni Valerie. Tuluyan na akong nadala. Tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat ng mga bagay. Parang gumaan ang buong paligid. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Anong klaseng mahika ito? All I need Is just a l

