Kier NAGUGULUHAN ako at kinakabahan. Parang bumagal sa pagtibok ang puso ko. Ano ang sulat na ito… at bakit nandito si Tita Jizelle? “Kier, I’m sorry. Tungkol ito kay Jana,” marahang sabi ni Tita Jizelle. Hindi na niya napigilang umiyak. “T-Tita, bakit po? A-ano pong tungkol kay Jana?” Sa puntong iyon, hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano nga ba talaga ang laman ng kahon at ano ang sulat na ito? “Kier, wala akong tapang na sabihin sa `yo ang lahat ng nangyari. Mabuti pa... m-mabuti pa at buksan mo na ang kahon.” Patuloy pa rin sa pag-iyak si Tita Jizelle. Habang ako ay parang hindi makahinga. Binuksan ko ang kahon. Naglalaman iyon ng isang notebook na kulay-puti, ang paboritong kulay ni Jana. “Hiling ni Jana na basahin mo ang nilalaman ng notebook. Pagkatapos ay ang sulat na gin

