Jana “Jana...” “Jana my love...” “Pabebeng sintunado, gising na!” Nagising ako nang maramdamang punasan ni Kier ang bibig ko. “Nasaan na tayo, my love? Nakatulog pala ako?” “Malapit na tayo. Oo, ang sarap nga ng tulog mo, eh, naglalaway ka pa,” sagot niya at bahagya akong tinawanan. “Hala, hindi, ah! My love naman, eh!” Lalo siyang natawa. “Okay lang `yan. Maganda ka pa rin. Okay ka na ba?” Kumikirot pa nang kaunti ang ulo ko but I have to pretend that I was okay. I know Kier, hindi niya itutuloy ang lakad na ito kung hindi ako okay. I smiled at him and pretend to look all right. “Yup! Excited na ako! Saan na tayo?” tanong ko at tumingin sa bintana ng kotse. Nakita ko ang… dagat. “Manila Bay? Ano’ng gagawin natin dito?” “Magsu-swimming!” “My love, naman, eh,” pabebe kong sabi, s

