“ANO PO ang tungkol kay Jana?” nakakunot-noo kong tanong kay Tita Jizelle. Kinakabahan ako. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? “Kasi, Kier...” “`Ma, si Kier ba `yan?” narinig kong tinawag ni Jana si Tita Jizelle kaya naputol ang sasabihin ng ginang sa akin. Pagkatapos, biglang naputol na ang linya at hindi na uli tumawag ulit si Tita Jizelle. Nag-aalala ako. Ano kaya ang dapat kong malaman? Agad akong nag-send ng message kay Jana para malaman kung ano man iyon. Me: My love, ano `yong sasabihin sana sa akin ni Tita? Hindi nag-reply si Jana kaya kinulit ko pa siya. Me: Jana? Please reply. Hindi talaga nag-reply si Jana. Natataranta na ako. Ano ang dapat kong malaman? Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Nakakainis talaga. Bakit wala siyang sagot sa mga message ko? Muli ko m

