KLP: CHAPTER NINE

1518 Words
"BREAKFAST TOGETHER?" Ilang beses pang napakurap si Princess habang nakatitig sa cell phone niya. Kakatapos lang niyang magluto ng almusal, tapos na rin siyang maligo at makapag-ayos papasok sa Museum. "I don't feel like eating outside, Sir." Reply ni Princess sa boss habang ang kamay ay may konting panginginig. Hindi rin mapigilan ng dalaga na pamulhan ng mukha nang maalala ang paniginip niya kagabi. "Ohh, sayang. Nandito pa naman ako sa labas ng bahay mo." Mas tumindi ang nararamdaman ni Princess nang mabasa ang reply ng boss. Lumakas din ang kabog ng dibdib niya na umabot pa sa puntong iniisip nya na baka sumabog na ang puso sa sobrang lakas ng pagtibok nito. "I thought we're going to eat breakfast together." Muling text galing kay King. Naiimagine tuloy ni Princess ang mukha ng boss na para bang nakanguso ito. "Wait." Tipid na reply ni Princess at saka patakbong lumabas ng bahay. Sa kabila ng nakakahiyang panaginip, hindi pa rin niya maitanggi na sabik pa rin siyang makita ang boss. "Hello, good morning." Pilit na ngiting anas ni Princess nang pagbuksan ng gate ang boss niya. "I cooked breakfast. Dito ka na lang kumain, Sir." "Sure. Hindi ko 'yan tatanggihan." Anas King at saka sumabay kay Princess papasok sa bahay. Nang makatalikod ay agad napapikit ang dalaga. Muli ay bimilis ang pagtibok ng puso niya kasabay ang pangingilabot. Bakit nakaputing Polo si Sir? "Sa kusina tayo, Sir." Pilit iwinaksi ni Princess ang tumatakbo sa isip, nakangiti rin siyang niyaya ang boss papunta sa kusina kung saan nakahanda na ang almusal. "What do want to have, Sir?" "Hmm," akmang nag-iisip na wika ng binata nang makaupo sa tapat ng hapag. "Milk? Juice? Or---" "A cup of coffee, Princess. I want a cup of coffee." Muling nanumbalik sa isipan ni Princess ang panaginip niya na gusto na niyang ibaon sa limot. Gusto rin niyang kutusan ang sarili dahil parang nagflashback lahat pati na ang pinakang detalye ng panaginip na 'yon. "O-okay, Sir." Tinalikuran na niya ang boss at saka nagsimulang ipagtimpla ng kape. Kahit ang simpleng paglalagay lang ng powdered coffee ay hirap na hirap ang dalaga. Nanginginig din ang kamay niya dahilan ng kaunting pagtaon ng kape. "Are you okay, Princess?" Halos mapapikit ang dalaga nang maramdaman niya ang boss sa gilid niya. Pakiramdam niya ay sobrang lapit nito sa kaniya o sadyang imahinasyon lang niya iyon dahil bigla ay naging sensitibo siya. "I-Im okay." Anas ni Princess nang hindi manlang nililingon si King. "Are you sure?" Bakas ang pag-aalalang tanong ni King, "Namumutla ka." Natatarantang tumango si Princess at saka kinuha ang thermos para salinan ang kanina pang hawak na cup. "Ako na." Nag-aalalang kinuha ni King at Thermos na dahilan nang pagkabigla ni Princess. Agad din siyang napalayo na wari'y napaso. "What's wrong with you?" Muli ay natatarantang umiling ang dalaga, "W-Wala, Sir." NAPABUNTONG HININGA si King nang matapos niyang salinan ng tubig ang baso ng kape. Saglit din siyang humarap sa dalaga at kunot noo itong tinitigan nang makitang namumutla pa rin ito. "Hey," anas niya at saka pa hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pagkailang nito, "Any problem, Princess? You can tell me." Nanginginig ang kamay na humawak si Princess sa braso ni King, "I'm fine. Really. N-Nanaginip lang ako." "Was it a nightmare?" May pag-aalala pa rin sa tanong ni King. "No. But It'll haunt me from now on." Ang kaninang pamumutla ng mukha ni Princess ay napalitan ng pamumula. Ni hindi rin siya makatingin sa mata ng boss niya. "Haunt? Why?" Umiling si Princess at saka nahihiyang ngumiti, "Secret." "Do you want to go somewhere?" Maya maya'y wika ni King, hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa pisngi ng dalaga, may pagkakataon pang pinipisil niya iyon para mapakalma si Princess. Ni wala siyang ideya na mas hindi ito kakalma kung ganito ang pakikitungo niya sa dalaga. "Where?" "Sa simbahan." Ngumiting muli si King sa dalaga, "It calms me, you know." "Paano na yung trabaho ko?" "I'm the boss." Anas ni King na para bang ito ang sagot sa tanong at sa mga susunod pang itatanong ni Princess. "Fine." "Good." Ngumisi pa ang binata. "Now, let's eat our breakfast." "A'right!" Bumungisngis ang dalaga. Hindi na sila muling nag-usap nang magsimulang kumain. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isip ni Princess. Kung saan simbahan sila pupunta at kung bakit sa simbahan ang napiling puntahan ng boss niya. ...and why it calms him. NANINGKIT ANG MATA NI PRINCESS NANG halos humarang na sa salamin ng sasakyan ang hamog sa paligid. Wait. Fog? Don't tell me... "Nasan na tayo, Boss?" "Caliraya." Anas ni King at saka pa tumawa, "I'm sorry." "Shít, Boss. This will be the fifteenth Church if I'm not mistaken." Kunot noong anas ni Princess na nginisian lang ng boss. Kakahanap nila ng simbahang may kinakasal ay nakarating na sila sa Caliraya. Hindi alam ni Princess kung ano bang trip ng boss niya. Akala niya ay simpleng simbahan lang ang pupuntahan, iyon pala ay simbahang may kinakasal ang gusto. God. "I told you, witnessing a wedding can calm you." "At ilang oras na tayong naghahanap ng simbahang may kinakasal pero wala pa rin." "Mayroon na 'to. Trust me." Natawa ang dalaga, "Mayroon? Lalim, ha?" "Yon naman kasi ang tama. Wala naman kasing salitang meron." "Oo na, Sir. Basta, siguraduhin mo lang na mayroon na tayong makikitang simbahan na may kinakasal." Muling tumawa si Princess. Sabi ng boss niya ay witnessing a wedding can calm you, pero ito, kausap pa lang niya ang boss ay nagiging calm na siya. It's so ironic dahil ito rin naman ang dahilan kung bakit kanina pa siyang wala sa sarili. "There," maya maya'y anas ni King at saka pa tumuro sa labas, "Nakikita mo 'yong simbahan na 'yon?" Tumango ang dalaga, "There's a wedding there." "Ohh," namamanghang wika ni Princess nang mapagtantong may kinakasal nga dahil mula sa loob ng sasakyan ay kitang kita nila ang disenyo ng simbahan, "Let's go, Sir. Baka matapos na ang kasal." Ngisi lang ang isinagot ng binata at saka nagtungo sa simbahan. Nang makababa ang dalawa ay rinig na rinig na nila ang seremonyas, senyales na nagsimula na ang kasal. "Gosh, ang lamig pala rito." Niyakap pa ni Princess ang sarili, "Mas malamig pa sa kotse mo." "Hold my hand." Anas naman ni King na ikinagulat ni Princess, "They say that when two people hold hands, their skin affects their hormones that make them feel warm." "Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Princess, nakatitig pa rin siya sa kamay ng boss na nag-aabang sa kamay niya, "Seryoso?" "Yup." Anas ng binata, "Let's go." Hindi na niya hinintay pang sumagot si Princess, bagkus ay hinawakan na ang kamay ng dalaga at saka pumasok sa simbahan. Nakatitig lang si Princess sa kamay niyang hawak ng boss niya. It's true. Holding hands can make you feel warm... it also warms her heart. "Sa taas tayo." Anas ni King at saka pinisil ang kamay ng dalaga. "Tara." Pakiramdam ni Princess ay nasa ulap siya. Halo halo ang nararamdaman niya pero isa lang ang sigurado, masaya siya. Wishing that this feeling will never end. "Wow." Namamanghang wika ni Princess nang makita ang loob ng buong simbahan mula sa pwesto nila. Mula sa taas ay kitang kita nila kung gaano kasaya ang mga taong nasa loob ng simbahan. At kahit na malayo, alam ni Princess na masaya ang dalawang kinakasal. "Do you, Ross, take Anne to be your wedded wife, to cherish in love and in friendship, in strength and in weakness, in success and in disappointment, to love her faithfully, today, tomorrow, and for as long as the two of you shall live?" Saglit na napalingon si Princess kay King nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Ang paningin ni King ang nasa dalawang ikinakasal, nakangiti habang nakikinig sa sinasabi ng Priest. "I do." Sagot ng groom. "Do you, Anne, take Ross to be your wedded husband, to cherish in love and in friendship, in strength and in weakness, in success and in disappointment, to love him faithfully, today, tomorrow, and for as long as the two of you shall live?" "I do." Madamdaming sagot ng bride. Napangiti si Princess. Kagaya ni King, nakatingin lang din siya sa ikinakasal. "You are right, Sir. It calms me." Matagal bago nakasagot si King. Ilang beses ding naramdaman ni Princess ang paghigpit nang pagkakahawak ni King sa kamay niya, "I told you." Hindi na sumagot pang muli si Princess. Pareho lang silang nakatingin sa dalawang taong nagmamahalan na masayang sinasagot ang bawat tanong ng Priest. "Honestly, I hate weddings." Maya maya'y anas ni King na ikinagulat ni Princess. "I-I thought it calms you." "Kaya nga. But it doesn't mean I like it." Tumawa ang binata. "I actually don't know. I hate at the same time I love it. I personally hate it but it calms my heart. Ang labo ko 'di ba?" Ilang beses pang napakurap si Princess habang nakatitig sa boss niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa malayo. Ngunit parang kirot sa puso niya nang makita mula sa mga mata ng boss na nasasaktan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD