KLP: CHAPTER TEN

1728 Words
"I CAN'T BELIEVE IT, PS!" masayang anas ni Natee kay Princess nang makapasok ang binata sa museum. Hawak pa ni Natee ang cell phone at saka excited na ipinakita iyon kay Princess, "What?" Walang ganang tanong ng dalaga. "September 15 na!" Halos sumigaw na wika ni Natee. Wala sa sariling napairap si Princess. Lumingon pa siya sa paligid dahil maraming employee ang napatingin sa gawi nila. "Anong gagawin ko?" "Ano ka ba, PS? Aren't you excited? Malapit na ang Educational tour ng iba't ibang Universities. That means, maraming studyante ang pupunta rito." Bakas pa rin ang kasiyahan kay Natee. "Oh, tapos?" Napabuntong hininga si Princess. Ang totoo niyan ay nalulungkot siya. Isang linggo na kasing hindi pumapasok ang boss niya. Nag-aalala na siya rito. At saka... miss na niya rin. "Maraming chikabebe." Ngumisi pa si Natee, "Girls, girls, girls, they love me." "Chickboy ka, ano?" Inis na anas ni Princess sa kaybigan, "Hindi mo ba alam na nakakasakit ang mga kagaya mo?" "Grabe ka," anas ni Natee at saka pa humawak sa kaliwang dibdib na parang nasasaktan, "Kung maka kagaya mo ka naman diyan, parang may sakit ako ah? At saka, hindi ako chickboy, hindi ako nananakit ng feelings." "Kaya pala lahat ng babaeng makita mo ay pinopormahan mo. Palibhasa alam mong magkakagusto agad sila sa 'yo dahil sa charms mo." "Gano'n?" Nakangiting anas ni Natee, "Kung popormahan ba kita, magugustuhan mo agad ako?" Pang-aasar nito. "Tanong mo sa pagong." Natatawang anas ni Princess. Sa lahat ng kasama niyang OJT sa museum, sila Natee at Angela lang ang pinakang kasundo niya. Mas madalas niya lang makasama si Natee dahil sa mas malayong area nakaassign si Angela. Tumawa naman si Natee, iiling iling pa at saka lumapit sa painting ng pagong na nasa kanang bahagi nila. "Hello, pagong! Love ba ako ni Princess Scarlet Nase?" Natatawang lumapit si Princess, bahagya pa niyang hinampas ang balikat ni Natee, "Baliw ka, Natee." "Miss Nase," natigil ang tawanan nila Princess nang may tumawag sa kaniya. Halos mapatalon si Princess nang makita kung sino 'yon, "S-Sir King!" May halong kaba at tuwa na aniya nang makita ang gwapong mukha ng boss. Isang linggo niya itong hindi nakita kaya halo halo ang nararamdaman niya. Walang emosyong tumango si King at saka siya saglit na pinasadahan ng tingin, saglit din itong bumaling kay Natee, "Mr. dela Cruz, bakit wala ka sa area mo?" "I'm sorry, Sir. Wala po kasing kasama rito si PS. At saka wala pa naman po akong masyadong ginagawa." Muling tumango si King ngunit wala pa ring ekspresyon na mababakas sa mukha nito, "Walang masyadong ginagawa? Paano'y nandito ka. At saka hindi kayo pwedeng magligawan sa museum ko. Maaapektuhan niyan ang evaluation n'yo. Alam n'yo ba 'yon?" Natatakot na tumango si Natee, "I-I know, Sir. I'm sorry." Tumungo ang binata. Mas natatakot siya dahil sa kung anong magiging epekto nito kay Princess. Alam niya kung gaano kahalaga ang evaluation para sa kanilang dalawa, "Babalik na po ako sa area ko, Sir. I'm sorry again." Isang tango lang ang isinagot ni King at tuluyan nang umalis si Natee. Samantalang si Princess ay parang napako sa kinatatayuan. Iniisip din niya kung anong mangyayari sa evaluation niya. "How 'bout you, Miss Nase? Why are you still here?" Natatarantang bumaling si Princess sa boss niya. Hindi niya akalaing magiging ganito kasungit ito. Siguro ay hindi maganda ang gising ng boss at silang dalawa ni Natee ang napagbuntunan. Excited pa naman siyang makita ang ngiti ng boss niya, ngunit pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay ang bumungad sa kaniya. "I'm sorry, Sir." Iyon lang ang nasabi ng dalaga. Hindi na niya piniling magpaliwanag kagaya nang ginawa ni Natee. Pakiramdam niya kasi, magagalit din ito. "One week," anas ni King na ikinakunot ng noo ni Princess. "Nagpapaligaw ka sa loob ng isang linggong wala ako?" "W-What?" Halos wala ng boses na anas ni Princess. Pasimple rin siyang tumingin sa paligid na agad namang ikinagaan ng loob niya nang masiguradong walang tao na nakarinig sa sinabi ng boss niya. "Answer me, Miss Nase." Ngumisi pa ang binata ngunit nababakasan pa rin ng pagkairita. Nalilito namang umiling si Princess, "N-No." Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ni Princess. Kung bakit wala ang boss niya sa nagdaang isang linggo, kung anong ginawa nito, kung sinong kasama nito at kung bakit nasasaktan siya sa isiping iyon. Damn!!! "What's on your mind, huh?" Nawala sa pag-iisip si Princess nang maramdaman niya ang marahang pagpitik ni King sa noo niya. "I miss you." Wala sa sariling anas ng dalaga. Huli na nang marealize kung anong sinabi, nakita pa niya na tumaas ang sulok ng labi ng boss niya. "Really?" Anas ng binata. Namulsa pa ito at hindi manlang nakatakas sa paningin ni Princess ang napakasimpleng detalyeng iyon. Maski ang pagkinang ng hikaw sa kaliwang tainga ni King ay hindi rin nakatakas sa paningin ng dalaga. "A-Ahh," halos mamula ang mukha ni Princess nang ang kaninang pagkunot ng noo ng boss ay napalitan na pagngisi, saglit lang din ay narinig na niya ang mahinang pagtawa nito. "B-Babalik na 'ko sa area ko, Sir." "Dito ang area mo." Napatingin siya sa paligid. Saglit ding napapikit si Princess. "Oo nga, 'no?" Nahihiyang aniya. "Anyway, kumain ka na ba?" "W-What?" Lintek! Bakit nauutal na naman ako? "Nagbreakfast ka na?" Ulit na tanong ni King. "Hindi pa, Sir. Na-late kasi ako ng gising. Nagmadali na lang ako para makarating agad dito." "Tsk," angil ng binata, "Follow me." Pagalit na anas nito, "Let's eat breakfast together." Huling wika nito at saka pa hinawakan ang kamay ni Princess. Buong loob namang sumunod ang dalaga sa bahagyang paghila sa kaniya ng boss niya. Gosh, my heart. I just can't help it. NAPATINGIN SI PRINCESS SA PALIGID, pilit niyang sinasaulo ang bawat detalye ng opisina ng boss niya. Okay, why are we here? Tanong niya sa sarili. May kaunting parte kasi sa kaniya na umasa na sa 'Private place' siya dadalhin ng boss niya. Kahiya ka, Princess Scarlet! "What do you want to eat?" Tanong ni King. Naupo naman ang dalaga sa upuang katabi ng table ng boss niya. "The usual?" Ngumiti pa si Princess nang makita ang pagbuntong hininga ni King. "I knew it." Mahinang anas ni King at saka may tinawagan sa intercom. Batid ni Princess na oorder na ito ng breakfast nila. Nang matapos ang pagtawag ni King ay agad niyang binuksan ang laptop na nasa mesa rin niya. Ilang minutong nagtype at nang matapos ay saka lang bumaling kay Princess na kanina pang nakatingin sa kaniya. "What?" Ngumuso ang dalaga, mukhang busy ang boss niya pero niyaya pa rin siyang kumain. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Kainis! "Saan ka pumunta noong wala ka? At saka, anong ginawa mo?" Who am I to ask? Tanong ni Princess sa sarili. But I wanna ask him so bad. Hindi naman umasa si Princess na sasagutin iyon ng boss niya kaya laking gulat niya nang magsalita ito, "Amsterdam." "Ohh," namamanghang anas ng dalaga. Isa kasi iyon sa mga lugar na gusto niyang puntahan, "Anong ginawa mo ro'n?" Natatawang sumagot si King, "I attended my friend's wedding. Why?" Nakailang attend na ba sa kasal ang boss niya? Sa ilang buwan niyang kasama ito ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na nyang narinig ang salitang "kasal". Umiling si Princess, "Wala." "Hindi mo ba itatanong kung sinong kasama ko?" Muling umiling si Princess at saka pa ngumuso, "Hindi na." "I went there alone. 'Wag kang magselos." Mayabang na anas ni King na mas ikinanguso ni Princess. Gustuhin man niyang umangal ay hindi na niya ginawa dahil totoo naman ang sinabi ng boss niya. Tatlong sunod sunod na katok ang pumutol sa pag-uusap nila. Halos sabay rin silang lumingon sa pinto nang bumukas iyon. Bahagya pang nagulat si Princess nang makitang si Natee ang kaninang kumakatok, "Natee.." aniya. Tumango lang sa kaniya ang kaybigan at saka lumapit sa boss nila, dala dala nito ang paper bag na sa tingin niya ay ang breakfast nila ang laman. "Thanks, Mr. Dela Cruz." Nakangising anas ni King. Isinenyas pa nito na ilapag sa mesa ang pagkaing dala. "You're welcome, Sir." Magalang na sagot ng binata, saglit din siyang lumingon kay Princess at saka muling tumango bago lumabas ng opisina. "Kumain ka na muna, Little Princess." Anas ni King at saka muling ngumisi. Iyon na naman ang pagtawag niyang little Princess. Bihira niyang sabihin kaya hindi maisip ni Princess kung bakit iyon na naman ang sinabi ng boss niya. "How about you, Sir? Hindi ka pa ba kakain?" Mukha kasing busy pa rin ito, muli kasing itinuon ng boss ang atensyon sa laptop. "I'll print this first," pagtutukoy nito sa ginagawa, "Pagkatapos mong kumain ay iikot mo 'tong memo sa lahat ng empleyado pati sa mga intern. Siguraduhin mo ring lahat ay makakapirma." Tumango na lang ang dalaga kahit na hindi pa niya alam kung ano iyon. Tsaka lang nagsimulang kumain si Princess nang makitang tapos nang iprint ang memo. Inilagay rin iyon ng boss niya sa dilaw na folder na kadalasang ginagamit sa tuwing may memo sila. NANG MATAPOS KUMAIN AY sinimulan na ni Princess na papirmahin ang mga empleyado ng museum. Saglit pa niyang binasa ang nakasulat sa memo. Laking tuwa niya nang mabasang tungkol ito sa night camp ng mga empleyado ng museum. Celebration dahil naging successful ang mga naging activities noong nagdaang ilang buwan. At saka para icelebrate ang pagpili sa Museum ng napakaraming school para sa darating na educational tour. Malaki kasing promotion iyon ng museum nila lalo na't ang mga school ay manggagaling sa iba't ibang lalawigan sa Luzon. Halos buong araw ay nagpapirma lang si Princess ng memo. Akala niya ay madali lang iyon pero nagkakamali siya, dahil nakakapagod palang magpapirma lalo na't mataas ang takong ng suot niyang sapatos. Laking tuwa niya nang makitang nakapirma na ang lahat ng employee ng museum. Well, maghapon ba naman siyang nagpapirma. Sinong hindi matutuwa? Tsk. Ilang minuto lang din ang ipinahinga niya nang mapansing alas sinco na ng hapon. Ibigsabihin, tapos na ang trabaho niya. At ibigsabihin din, bukas na niya ulit makikita ang boss. NANG MAKAUWI sa bahay ay pabagsak na nahiga si Princess sa kama. Tinawagan niya rin ang mga magulang para sabihin ang tungkol sa night camp na magaganap sa darating na biyernes. Matagal din silang nagkamustahan ng magulang na halos lagi niyang ginagawa tuwing tumatawag siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD