KLP: CHAPTER TWELVE

3080 Words
MABUTI NA LANG AT MAY EXTRA pang Pink Gin, kung hindi ay mapipilitang gawin ni Natee ang dare sa kaniya ni King. "Akala ko talaga ay sasapakin ko ang sarili ko." Natatawang anas ni Natee. Tapos na ang larong Truth or Dare pero ang boss nilang si King ay masamang masama pa rin ang tingin sa kaniya. "Bakit kasi gano'n ang dare sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Princess sa kaybigan. Kasalukuyan pa rin silang nakaupo sa log, si Miss Eva naman ay ipinapaliwanag ang mechanics para sa susunod na laro. "Aba, ano sa tingin mo?" Muling tumawa ang binata, "Tignan mo nga si Sir King, mukhang kanina pa niya ko gustong sapakin. Kulang na lang ay lumapit dito at hilahin ka paalis sa tabi ko." "Baliw ka, Natee." Nahihiyang anas ni Princess pero ang totoo niyan ay umaasa siya sa sinabi ng kaybigan. Umaasa na kaya gano'n ang boss dahil sa naging dare nila kanina. "This time, only twenty players are needed since our second game is called The Boat is Sinking. And I'm pretty sure that all of us are familiar with that game." Muling napuno ng ingay ang buong site. Lahat ng tao ay halatang excited sa nasabing laro. Well, maliban lang sa isa. Dahil ang boss nilang si King ay nakakunot pa rin ang noo hanggang ngayon. "Sinong gustong sumali?" Masayang tanong ni Miss Eva. Hindi pa man natatapos ang sinasabi ay nagsisalihan na ang ibang empleyado. "Miss Eva, sali ako!" Nangingising anas ni Stud. "Okay, Stud. Please join them." Wika ni Miss Eva, itinuro pa nito ang ibang empleyadong kasali na ngayon ay nakatayo na't magkakasama. "Apat na lang ang kulang, sino pang gusto?" "Kami, Miss Eva!" Nagulat pa si Princess nang hawakan ni Natee ang kamay niya at saka itinaas iyon para mas makuha ang atensyon ni Miss Eva. "Okay, Natee and Princess, come here." Bumingisngis pa siyang muli, "Kayong dalawa ha, kanina pa kayo. May dapat na ba kaming malaman?" Pang-aasar pa nito. Nangunot naman ang noo ni Princess ngunit mas pinili na lang na hindi sumagot. "Wala, Miss. 'Wag kayong magbiro ng ganyan, baka umuwi akong may pasa sa mukha." Pagbibiro ni Natee ngunit walang nakakuha ng sinabi niyang iyon. "How about our Boss and Admin? Gusto n'yo bang sumali, Sir?" Nakangiting tanong ni Miss Eva sa boss nila. Isang tango lang ang isinagot ni King at saka may ibinulong sa Admin na tinanguan lang din nito. Nang makumpleto ang players na kasali sa bagong laro ay nag-announce si Miss Eva ng magiging leader na game. At ang napiling maging leader ay si Mr. Gui na naka-assign sa King's Gallery. "For our ground rules, our game will have its own twist. Usually, isang pair lang ang mananalo pero ngayon, ang dalawang pares na matitira ay siyang mananalo. Deal?" Panimula ng assigned leader. "Deal!" Masayang sagot ng mga players. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang nasabing laro na siyempre, pinangungunahan ni Mr. Gui. "The boat is sinking! The boat is sinking! Group yourselves into seven!" Anas ng leader na agad namang sinunod ng players. Halos magkabunggo na ang lahat ng players. Kanya kanyang hilahan ng magkakampi. To be honest, isa ito sa larong ayaw na ayaw ni Princess. Para kasi sa kaniya ay dahilan ito ng pagkakaroon ng samaan ng loob lalo na kung pawang magkakaybigan ang maglalaro. Bakit? Dahil sa tingin niya, mayroon at mayroong isang 'kaybigan' na maiiwan. And it hurts... big time. Nang mabuo ang dalawang grupo ay awtomatikong naalis ang naiwang anim na players. Lihim na sinilip ni Princess ang boss na nasa kabilang grupo. Psh. "Wag kang lalayo sa 'kin para tayo ang manalo, PS." Bulong ni Natee na tinanguan lang ng dalaga. Muling nagsalita ang leader at sa pagkakataong ito ay grupo ng lima ang dineklara niya. Kagaya kanina, kanya kanyang hila na naman ang mga nagtatawanang manlalaro at mukhang competitive ang mga ito na para bang isang milyon ang premyo sa mananalo. "Kulang tayo, kulang tayo!" Tarantang sigaw ni Stud. Nasa grupo siya nila Princess at mukhang stressed na stressed dahil tatlo pa lang sila. "Sir King, Ma'am Amara, sa 'min po kayo!" Muli niyang anas at saka hinigit ang dalawa, nakalimutan ata niyang boss niya ang mga ito. "This is fun." Kiming anas ng Admin nila. Si Natee ay tahimik na ngayon samantalang kanina'y nakikipagsabayan sa ingay ni Stud. Magkakatabi na ang lima at tanging si Stud lang ang maingay. Si Princess ay sa gawing kanan nakatingin dahil ramdaman niya ang pares ng matang kanina pang nakatuon sa kaniya. "There are ten players left! At mukhang mas masaya ito dahil kasali si Sir King!" Anas ng leader, "Trivia lang guys, alam niyo bang first time sumali ni Sir sa games tuwing may celebration? Unbelievable, right?" Muli pa niyang anas at saka tumawa. Nagsang ayon naman ang mga empleyado na pawang natutuwa sa larong pinapanood. Sa kabilang banda naman ay hindi mapigilan ni Princess na mapaisip. Why? Bakit siya sumali ngayon? Ayaw niyang umasa pero anong magagawa niya? "Please scatter, everyone." Anunsyo ng leader, "The boat is sinking! The boat is sinking! Group yourselves into Six!" "Hey, miss, dito ka!" Masiglang sigaw ni Stud, hinila ang isang empleyado, dinala rin niya ang dalaga kung saan ang pwesto nila Princess, at dahil sa hindi kalayuan, walang galang na hinila rin ni Stud ang Admin at ang Boss nila. Balahura talaga!!! "Six na tayo!" "Tsk!" Hindi naman nakatakas sa pandinig ni Princess ang pag-tsk ng boss niya. Mukhang nainis sa inasal ni Stud. "Okay ka lang, PS?" Tanong ni Natee. "Pinagpapawisan ka na." Dagdag pa nito at saka kinuha ang panyong nasa bulsa na agad ibinigay sa dalaga. "Thanks, Natee." Pagkindat lang ang isinagot ng kaybigan. "Wow! It seems like Stud's group is very competitive!" Pansin ng leader. "Anyway, are you ready?" "Yes we are!" Parang batang sagot nila Stud at Natee na tiwanan ng lahat. Muling naghiwa hiwalay ang anim na natitirang manlalaro habang hinihintay ang anunsyo ng leader. Nang marinig na lima na lang ang kaylangan, parang si Flash sa bilis si Stud na inilayo ang kaninang babaeng hinila niya. Sa makatuwid, inipon niya sa isang grupo sina Princess, Natee, ang admin at ang Boss nila. "We are only five now." Ngumisi pa si Stud, hindi niya alam na kanina pang naiinis si King sa kaniya. "Hila ka nang hila." Mahinhing anas ng Admin kaya nakaramdaman ng hiya si Stud. "Sorry po, ma'am. Hehe." Anito at saka pa kumamot sa ulo. "It's okay." Malumay pang sagot nito. Napakabait talaga ng Admin nila kaya lahat ng empleyado ay walang angal dito. Bukod sa maganda na, maayos pang kasama sa trabaho. "Now, now, this game is getting better!" Maya maya'y anas ng leader. "Sino kaya ang dalawang pares na mananalo?" "We will win." Bulong ni Natee sa tainga ni Princess. "I promise." "Hmm," iyon na lang ang sagot ng dalaga. "Please, maghiwa hiwalay kayo since lima na lang kayong natitira." Bumungisngis muli ang leader. Walang gana namang sumunod si Princess. Bakit bigla na lang siyang nabalisa? Agad siyang nakaramdam ng lungkot dahil mukhang alam na niya ang susunod na mangyayari. Ito na yung pinakaayaw niyang parte ng larong ito. Dahil sa mas malayo na ang distansya nila mula sa isa't isa, kaylangan nilang manakbo para makalapit sa gugustuhin nilang kapareha. "Are you ready?" Tanong ng leader. Agad namang sumagot sila Stud at Natee, samantalang ang mga taong nasa paligid ay masayang ipinagchi-cheer ang mga natirang players. "The boat is sinking! The boat is sinking! Group yourselves into..." matagal bago muling nagsalita ang leader. Pakiramdam ni Princess ay sobrang tagal noon, pakiramdam din niya ay tumahimik ang buong paligid at tanging ang pagtibok ng puso na lang niya ang naririnig. "Two!!" Nang marinig ni Princess ang sigaw ng leader ay muli siyang kinabahan, natakot at... nalungkot? Mas tumindi ang kabang naramdaman niya nang may humila sa braso niya para maging kapareha. "I got you." Anas ng lalaking humila sa pulsuhan niya. "s**t! Wala ba talagang gustong pumuli sa 'kin?" May paawang anas ni Stud nang siyang mag-isa ang naiwan. "Pati ba naman sa larong ito ay walang pipili sa 'kin?" Muling aniya na ikinatawa ng mga tao sa paligid. Samantalang si Princess ay nanatiling tahimik. Napatungo rin siya at saka tumingin sa kamay niyang hawak pa rin ng lalaking humila sa kaniya. They won. Pero bakit hindi siya masaya? "I told you, we will win." Bulong ni Natee na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay niya. Bagkus na sumagot ay bumaling si Princess na boss niyang nasa may tapat nila. Kagaya ni Natee ay nakahawak din ito sa kamay nang napili nitong partner. I knew it! Alam naman niyang ang admin ang pipiliin nito pero umasa pa rin siya. Na baka sakali, siya na ang piliin. This is just a game but it breaks her heart. "Congratulations to our winners!" This time ay si Miss Eva na ang nagsasalita, "This is the best year talaga! Di ba? Bukod sa sumasali na sa game si Sir King, talagang binibigay pa niya yung best nya!" Halos hindi na pakinggan ni Princess ang mga sinasabi ni Miss Eva. Hindi na rin niya inintindi ang anunsyo tungkol sa magiging premyo nila mula sa pagkapanalo. "Pahinga lang ako, Natee." Aniya sa kaybigan. Hindi na niya hinintay sumagot ang binata, agad siyang naupo sa log malapit sa bonfire. Simpleng laro lang iyon para sa mga taong kasama niya pero napakalaking epekto no'n sa kaniya. "Darn," bulalas ni Princess sa sarili nang mapatingin sa relong pambisig. Alas onse na ng gabi at heto sila, patuloy ang celebration. Mula sa pagkakaupo sa log ay muling naramdaman ni Princess ang matang nakamasid sa kaniya. At muli, sa hindi niya mabilang na pagkakataon, nakita niya ang boss sa tapat niya at tanging ang malaking bonfire lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Nangunot ang noo ni Princess nang dahan dahang itaas ni King ang kanang kamay habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. "Ha?" Anas ng dalaga kahit na alam niyang hindi siya maririnig ng boss. "Two?" Kahit na madilim ay kita niya ang pagsenyas ni King ng 'two' gamit ang daliri nito. Ilang segundo ay itinaas din ni King ang kaliwang kamay at saka sumenyas ng 'five' katabi ng kanang kamay na kasalukuyang nakasenyas ng 'one'. "Six?" Muling tanong ng dalaga. Two? Six? Two, Six? Ano 'yon? Kunot noo pa ring napapaisip si Princess. Akmang sesenyasan din niya ang boss nang maramdaman ang pagtama ng liwanag sa mukha niya. Inis niyang nilingon iyon at mas napakunot pa lalo ang noo niya nang makita si Natee na may hawak na flashlight na hanggang ngayon ay itinatapat pa rin sa mukha niya. "What?" Inis na aniya nang makalapit ang kaybigan. "Here," anas ng binata at inabot sa kaniya ang isa pang flashlight. "Anong gagawin ko rito?" "Maglalaro tayo." Natatawang sagot nito. "Kanina pa kita tinatawag eh, hindi mo naman ako naririnig." "Ayaw ko nang maglaro. Pagod na ako." Anas ni Princess pero ang totoo ay tinatamad lang siya dahil sa nangyari sa laro kanina. "Last game na 'to, PS. Please?" Pagpapa-cute ng kaybigan na bahagyang ikinatawa ng dalaga. Muli naman siyang bumaling sa tapat niya na agad ikinasikip ng dibdib niya nang makitang kasamang muli ng boss niya ang admin nila. "I'm sorry, Natee. Pagod na talaga 'ko. Gusto ko nang matulog." Saglit na bumuntong hininga ang kaybigan at ngumiti, "Okay. Ihahatid na kita sa tent nyo. Ako na lang ang bahalang magsabi kila Miss Dawn na magpapahinga ka na." "Thanks, Natee." "Wala 'yon." Ngumisi pa ito. AGAD NAHIGA SI PRINCESS sa cushion nang makapsok sa loob ng malaking tent. Ayon sa napag-usapan bago pa pumunta sa campsite ay ang makakasama niya sa loob ng tent ay si Angela at isa pang intern. "Gosh," hindi mapigilang daing ng dalaga nang maramdaman ang pagsakit ng katawan. Ilang minuto pa siyang nakatulala lang sa loob ng tent nang mapagdesisyunang lumabas dala ang bote ng mineral water na kinuha pa niya sa bag. Balak sana niyang maligo sa maliit na batis na binanggit ni Miss Eva kanina, ang kaso ay masyado nang gabi at wala siyang kasama. Gamit ang tubig na nasa bote ay ipinang hilamos niya iyon at saka binasa ang braso at binti. "What are you doing?" Halos maibuhos ni Princess ang tubig sa sarili nang may nagsalita sa bandang likod niya. Kahit hindi pa niya nakikita kung sino 'yon ay alam na alam na niya kung sino ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Saglit pa niyang pinakalma ang sarili at saka lumingon sa likod, "Why are you here, Sir?" Pormal na aniya. Himala at hindi nito kasama ang Admin. Psh. "I was looking for you. Nawala ka na lang bigla sa paningin ko." "Bumalik na 'ko sa tent eh. Nawalan na kasi ako ng gana." Labas sa ilong na anas ni Princess. Dahan dahan namang tumango si King, pinagmasdan pa nito si Princess habang nakakunot ang noo, "Gusto mo bang maligo?" "Sana. Ang kaso ay wala akong kasama." "Samahan kita." "Wag na. Baka hanapin ka ni Admin. O kaya ay baka mamiss mo agad siya." Inis na asik ni Princess. "What are you saying?" "Wala!" Anas ng dalaga, "Bumalik ka na ro'n, Sir. Baka hinahanap ka na." Agad na ngumisi si King at saka pa umiling, "Maliligo ako, hindi ka sasama?" Nang marinig ang sinabi ni King ay tsaka lang napansin ni Princess ang towel na nakasabit sa balikat ng boss niya. Gusto niyang tumanggi ngunit hindi talaga siya sanay nang hindi naliligo bago matulog. Ilang buntong hininga ang pinakawalan n'ya at saka muling nagsalita, "Fine." "A'right, let's go." Muling ngumisi ang boss niya at saka agad siyang hinawakan sa pulsahan kasabay ang marahang paghila. "Ano nga pala yung sinenyas mo kanina?" Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad nang magtanong ni Princess. "Alin?" "Yung number, boss. What's with two and six?" "Ayun na yung batis. Tara!" Wala sa sariling napairap si Princess. Okay, hindi ko na lang itatanong. "A-Anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ng dalaga nang agad na hubarin ni King ang suot na damit. "Naghuhubad? Maliligo tayo, remember?" "O-Oo nga. Pero.." "Come on, Princess." Anas pa ni King at saka sinimulang lumublob sa tubig. Samantalang nakamasid lang si Princess sa boss niyang topless!! I'm not ready for this but I'm not complaining!! "How about you? Hindi ka maliligo?" "M-maliligo." Muli pa siyang nagbuntong hininga, dahan dahan rin siyang lumusong sa tubig na agad gumising sa diwa niya dahil sa lamig nito. "So cold," aniya nang tuluyan nang sakupin ng malamig na tubig ang buo niyang katawan. Nakatshirt at shorts pa siya pero ganito na ang lamig na nararamdaman, paano pa kaya ang boss niyang naka-shorts lang? Mula sa ilaw na nanggagaling sa buwan, tunog ng mga kuliglig at tahimik na batis ay masaya nilang dinama ang malamig na tubig na yumayakap sa katawan nilang dalawa. "Come here with me." Anas ni King kasabay ang bahagyang paghila kay Princess, "What are you thinking?" Tanong pa nito nang mapansin ang pagkunot ng noo ng dalaga. "Iniisip ko lang kung bakit?" Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ni Princess. Pakiramdam niya ay ito ang tamang oras para sabihin at itanong ang mga bagay na gumugulo sa isip niya sa nagdaang mga linggo. "Anong bakit?" "Why are you like that, Sir?" Nagpakawala pa siya ng buntong hininga. Parang himalang hindi na niya maramdaman ang lamig ng tubig sa batis nang makalapit siya sa boss niya. "I'm not like those girls na hahayaang mapuno ng tanong sa isip ko hanggang sa mawalan na 'ko ng chance na magtanong." "What are you saying?" Kunot noong tanong ni King. "Sometimes you are sweet, sometimes you are not. Maghapon tayong hindi nag-usap tapos ngayon ay kaharap kita. Pinaparamdam mo sa 'kin na mahalaga ako tapos mamaya lang saglit, iisipin ko na naman kung ano ba 'to?" Ilang segundong natahimik si King. Saglit lang ding nagbuntong hininga at saka hinawakan ang kamay ni Princess, "Ano bang gusto mong sabihin?" "Bakit hindi ako ang pinili mo kanina?" Agad namang nanubig ang mata niya nang maalala ang letseng larong The Boat is Sinking!! "I'm sorry." Madamdaming anas ni King at saka kinabig si Princess para yakapin, "It's my eyesight's fault." "What do you mean?" Mula sa pagkakayakap ni King ay ramdam na ramdam ni Princess ang malakas na t***k ng puso ng boss niya. "I have a poor eyesight. Nasabi ko na ba sa 'yo na magkamukha kayo ni Amara?" Umiling si Princess at akmang sasagot nang mas humigpit ang pagkakayakap ni King, "Masyadong malayo yung pagitan natin kanina. God knows na ikaw talaga yung gusto kong maging kapareha pero si Amara pala yung nahila ko." "Paano ako maniniwala?" Eh, mahal mo 'yon? Gusto sana niyang itanong pero naduwag s'ya. "Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?" Pilit na ngumiti si Princess at saka umiling. Umalis din siya sa pagkakayakap kay King, "Ganito ka ngayon at siguradong bukas ay hindi na. Hindi ko alam kung saan ako lulugar o kung may lugar ba ako sa 'yo?" "Princess," anas ni King, hinuling muli ang kamay ni Princess at saka iyon ipinatong sa dibdib niya, "Can you feel my heartbeat? You already have this special place in my heart." Napatitig si Princess sa kamay niyang nakahilig pa rin sa dibdib ni King. At kagaya nang nararamdaman ng boss niya, ganito rin kabilis ang pagtibok ng puso niya. "I like you, Sir." Halos maiyak na aniya. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya kayang itago ang nararamdaman. Agad namang nakita ni Princess ang pagngiti ni King dahilan nang pamumula ng mukha niya. "Can I kiss you?" W-what? Hindi magawang sumagot ng dalaga sa tanong na iyon ng boss niya. Pagtango lang ang tanging naisagot niya. "I will kiss you now." Déjà vu? Kagaya sa panaginip ay ganitong ganito ang sinabi ng boss niya. Iyon nga lang, walang mainit na kape, kabaliktaran ng malamig na tubig sa batis na nanunuot sa balat nilang dalawa. Mas lalo pa yatang lumakas ang pagtibok ng puso ni Princess nang unti unting maglapat ang labi nilang dalawa. Ang simpleng dampi ay naging malalim nang bahagyang kagatin ni King ang ibabang bahagi ng labi niya. Ilang segundong paulit ulit na pagkagat at pagsipsip sa labi niya ay sa wakas, tumigil din ang boss niya at saka pa ngumisi. "I'm sorry." Anas ni King, pinaglandas din niya ang daliri sa labi ni Princess. "Nadugo yata." Nag-init ang mukha ni Princess nang marinig ang sinabi ng boss. Kaya pala pakiramdam niya nananakit ang labi niya. Shít! Mamamaga ito mamaya!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD