PARANG hinahalukay ang tiyan ni Tricia sa labis na tensyon. Bumalik siya sa kuwarto matapos iwan sina Marco at Lynette. Gusto niyang isiping walang mali sa ginawa niya. Na dapat lang na maging protective siya sa kasal na nagtatali sa kanila ni Marco. At isa pa, nandiyan pa si Paola na kailangan din niyang protektahan. Pero hindi pa rin siya mapakali. Ano ba ang laban niya kay Lynette na sapul pagkabata ay tila inilaan na kay Marco? They had been married. At kahit na napawalang-bisa na ang kasal ng mga ito, marami namang ibang paraan para magkabalikan ang mga ito. Pero kami ang kasal ngayon, katwiran niya sa sarili. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Marco. Napabuka ang kanyang mga labi subalit wala namang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


