NAGPAKASAL sila nang sumunod na araw. Si Efren na rin ang nagtulak sa kanilang gawin iyon sa kabila ng pag-aalinlangan niya. Iniisip niyang kailangan pa niyang kausapin ang mga magulang. Pero tila hindi na makakapaghintay si Marco. He probably used his connection at kinabukasan ay may dala na itong marriage license at ipinrisinta sa kanya. Tanging sina Efren at Mayette ang sumaksi sa maikling seremonyang idinaos ng mayor. Tila nga mas matagal pa ang pagpirma nila sa papeles. Wala siyang madamang espesyal sa okasyong iyon. Ang alam niya ay tensyon na tensyon siya. She couldn’t imagine what would happen next at hindi siya mapakali na basta maghintay na lamang ng susunod na mangyayari. Si Paola ay hindi maitatawang sabik sa ama. Maya’t maya ay nakahawak kundi man n

