KAGAYA ng nakasanayan ay binasahan muna ni Tricia ng fairy tale si Paola. Bago naman niya natapos ang kuwento ni Jack and The Beanstalk ay nakatulog na ito. Muli ay ibinilin niya ang anak kay Aling Mameng at nagtungo na sa eatery. Siya muna ang magkakaha doon para makatulog si Bea. Lampas na ang oras ng hapunan kaya hindi na masyadong matao. Ang customer nila ay yaong nanggagaling sa bar sa tapat. Iyong matapos uminom ay kape naman ang hahanapin. Videoke bar na ang katapat nilang establishment. At medyo class na kaya naman bibihira na ring magkarambulan doon. Tinutukan niya ang pagbabasa sa libro de benta ng tindahan. Si Bea ang humahawak niyon. Dapat sana ay kagaya niya si Bea na CPA din. Pero hindi na ito nag-take ng board exam. Pagka-graduate ay naging assistan

